Sunog sumiklab sa residential area sa Recto

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa residential area sa Recto

JECK BATALLONES ,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 31, 2024 10:55 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA (2nd UPDATE) — Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa kanto ng Recto Avenue at Quezon Boulevard sa Maynila nitong Miyerkoles (Enero 31, 2024).

Bandang alas-3:14 ng hapon nang unang maiulat ang sunog at bago pa mag alas-4 ay inakyat na ito sa ika-5 alarma, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP)-NCR.

Tinatayang lagpas 150 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa naturang insidente at agad namang inilikas ang mga ito habang inaapula ng mga bumbero ang apoy.

Dagdag pa ng BFP, hindi bababa sa 10 bahay ang natupok sa sunog na kinailangang respondehan ng 20 fire truck para maapula.

ADVERTISEMENT

Kasabay nito, nagpatupad na rin ng provisionary service ang LRT-2 dahil sa lakas ng sunog malapit sa Recto station, dahilan para umikli ang biyahe ng naturang linya ng tren mula Legarda hanggang Antipolo at pabalik.

Nakaranas naman ng mabagal na daloy ng trapiko ang east at westbound lanes ng Recto dahil sa mga nakaparadang fire truck na rumesponde sa insidente.

Idineklara namang kontrolado na ang sunog bandang alas-5:24 ng hapon at fire out na bandang alas-7:56 ng gabi. 

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi na naturang insidente at tinitingnan na rin kung may kinalaman sa arson ang pinagmulan ng sunog. 

Kuha ni Ricky Bautista, ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.