Naarestong 'godfather' ng POGO posibleng 'kinatatakutan' ni Alice Guo: PAOCC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Naarestong 'godfather' ng POGO posibleng 'kinatatakutan' ni Alice Guo: PAOCC

Published Oct 11, 2024 03:46 PM PHT
|
Updated Oct 11, 2024 11:24 PM PHT

PASAY — Posibleng si Lin Xunhan na mas kilala umano sa alyas na Boss Boga, Lyu Dong at Hao Hao o “boss of bosses” ng mga POGO ang pinoprotektahan ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ngayong Biyernes.

“Every hearing kasi umaattend ako eh, and never na binanggit niya [Alice Guo] itong si Boss Boga or itong si Lin Xunhan, di niya binanggit ito. Ang binanggit niya yung tatlo na wala na dito eh, yung sina Zhang Jie, binanggit niya yan sina Huang Zhiyang, binabanggit niya yang si Duanren Wu. Mga wala na dito yan, nasa abroad na iyan, nasa Singapore, nasa Hong Kong and Taiwan,” sabi ni Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz.

“Kaya ang tingin ko rito ito yung iniiwas niya eh kaya nagbabanggit siya ng ibang pangalan,” ayon kay Cruz.

“Puwedeng tama yung kinatatakutan, puwedeng tama yung pinoproteksiyunan niya, dalawa yun, it’s either pinoproteksyunan niya ito o ayaw niyang masunog dahil ito nagpi-finance sa kanya, or dahil ito yung boss niya or number 2 tama yun puwedeng kinatatakutan niya,” dagdag ni Cruz.

Matatandaang inaresto ng PAOCC at Bureau of Immigration sa bisa ng mission order nitong Huwebes sa Laguna ang 13 Chinese nationals, kabilang si Xunhan a.k.a. Lyu Dong na itinuturing na “Godfather” ng mga POGO sa buong bansa. May 9 na Pilipino ring arestado na nagsilbi umanong bodyguards ng mga sinasabing POGO bosses.

Bukod sa 3 baril, nakumpiska rin sa operasyon ang luxury vehicle ni Xunhan na naka-level 6 bulletproof. Ibig sabihin kahit na bala mula sa mga long firearms hindi tatagos sa sasakyan.

“Ibig sabihin alam niya na kailangan niya protektahan sarili niya o some reasons. It’s a gang war between other yung POGO operators o probably mga personal niyang atraso, kasi bakit ka magha-hire ng bodyguards, bakit ka magbu-bulletproof armored vehicle,” sabi ni Cruz.

UGNAYAN NI XUNHAN SA POGO, AYON SA PAOCC
Sa monitoring at research ng PAOCC, nagsimula ang maliit na operasyon ng POGO ni Xunhan nitong 2017 sa mga golf courses sa bansa. Di rin umano bababa sa 18 POGO hubs sa Regions 1, 3, 4A, 7 at NCR ang konektado sa ngayon kay Alyas Lyu Dong kabilang na ang Lucky South 99 sa Porac, Pampanga, Zun Yuan Technology at Hong Sheng sa Bamban, Tarlac.

Iimbestigahan ng PAOCC kung sinu-sino pa ang mga sangkot sa operasyon ng POGO sa bansa. Sa pagkakaaresto kay Xunhan umaasa ang PAOCC na mahalaga ang mga impormasyong hawak nito. Pero hindi umano ito nakikipagtulungan sa ngayon.

“We will be checking on that, si Lin Xunhan alyas Lyu Dong, Alyas Hao Hao, baka makakuha tayo ng magandang impormasyon kasi alam niya lahat how this illegal POGOS started here, alam niya lahat eh hanggang sa ngayon siya pa rin nagpapatakbo ng mga POGO,” sabi ni Cruz.

“Hindi pa kami nakakakita ng mga ganung indication [na makikipagtulungan], boss ito eh we will be dealing with hardcore dito, so hindi ito madaling ipa-ano, paaminin o makuhanan ng impormasyon, alam na nito ang gagawin eh, even during the time of the arrest meron na agad siyang alibi na hindi ako iyan eh,” dagdag niya.

“For the reason na alam niya yung in-assume niyang pangalan na Lyu Dong eh yun ang alam natin sa kanya, hind niya alam na alam natin kung ano talaga, sino talaga siya,” sabi pa ni Cruz.

Aalamin din ng komisyon kung may iba pang kaso sa China o sa bansang pinanggalingan ang mga naaresto.

Susuriin din ng PAOCC ang profile ng mga Pilipinong nagsisilbing driver at bodyguard sa mga dayuhan lalo’t may impormasyon na isa sa mga ito ay dating miyembro ng uniformed service. Titingnan din kung may mga record o warrant of arrest ang mga ito.

“May info kami na isa sa mga bodyguards niya former uniformed personnel, we just don’t know whether PNP siya o AFP siya,” sabi ni Cruz.

“Mahirap din kasi baka ma-compromise, baka magulat sila bigla sila magpaputok kasi armed sila eh, in this case 3 baril nakita natin, so baka out of taranta makalabit nila yung baril nila out of their passion to protect their VIP eh masyado sila manggigil, so medyo delikado din, siguro iniisip namin nagtratrabaho lang sila pero minsan dapat pinipili mo rin saan ka magtratrabaho,” dagdag niya.

'BINAKLAS' NA PASAPORTE
May nakuha rin umanong Special Resident Visa kay Xunhan at “baklas” ang pasaporte nito, ayon sa PAOCC.

“Ang nakikita ko diyan gusto niyang i-legitimize yung stay niya dito eh, siyempre pag may mga ganyan kang visa, puwede ka nang bumili ng mga properties, puwede ka nang kumuha ng mga government licenses, puwede kang ma-involved sa mga business, even yung benefits na puwedeng ibigay sa mga Pilipino, puwede mo na ring i-avail,” sabi ni Cruz.

“Ibig sabihin mayroon siyang nakitang passport tinanggal niya yung picture nilagay niya yung picture niya, binaklas niya, tapos inassume na niya sino yung nasa passport,” dagdag niya.

Sa tingin naman ng PAOCC, kakayaning mapuksa ang POGO sa bansa sa katapusan ng taon. Maganda aniya ang kooperasyon ng koordinasyon ng ibang mga ahensya ng gobyerno mula DILG, AFP, PNP, BI, NBI, DSWD at DFA laban sa mga iligal na POGO.

Sasampahan ng reklamong paglabag sa immigration laws ang 13 Chinese nationals.

Nauna nang nasampahan ng reklamong qualified human trafficking sa DOJ si Lin Xunhan a.k.a. Boss Boga.

MAS MALALAKI PANG PERSONALIDAD
Sinabi naman ni PAOCC Spokesperson Winston Casio na maaaring mas may malalaki pang personalidad sa likod ng umanoy's POGO godfather.

“He’s a pioneer and he would be able to lead the investigation kung sino ang mga nasa likod nitong mga POGOs nito at kung maaari man maaari maituro niya sa atin kung sino yung mga tumulong sa kanila, mapa opisyal man o pribadong indibidwal,” sabi ni Casio.

Samantala, ikinatuwa ng mga senador na tumutok sa mga kaso ang pag-aresto kay "Boss Boga."

Para kina Senador Sherwin Gatchalian at Senador Risa Hontiveros "malaking panalo" sa kampanya laban sa pagkalat ng POGO-related crimes ang pagkaaresto kay Li Xunhan.

"This is a major achievement, as Lin Xunhan was included in the search warrant executed last June 4 against Lucky South 99 in Porac, Pampanga. He is a Chinese national who has been operating scam networks in the country for a long time under a false identity. This underscores the critical need for constant vigilance and monitoring of cross-border activities involving high-profile individuals. It is also vital to investigate the Filipino bodyguards and associates linked to Lin Xunhan," pahayag ni Gatchalian.

Pinaalahan naman ni Hontiveros ang mga awtoridad na huwag magpakampante matpaos ng pag-aresto dahil aniya, imposibleng "walang kumanlong na kawani ng gobyerno" rito.

"While Lyu Dong's arrest is a major win, we should not be complacent or reckless. Sa dami ng mga in-operate na POGO hub ni Lyu Dong, Hindi niya ito pwede nagawa ng walang kumanlong na kawani ng gobyerno. I hope that we can also identify the Filipino associates of Lyu Dong," ani Hontiveros.

Read More:
Risa Hontiveros
Sherwin Gatchalian
Alice Guo
Boss Boga
POGO
Philippine Offshore Gaming Operators
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT