Behind the scenes: Paano kinikilatis ang mga naghahain ng kandidatura sa Halalan 2025?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Behind the scenes: Paano kinikilatis ang mga naghahain ng kandidatura sa Halalan 2025?

Patrol ng Pilipino

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

MAYNILA — Muling natunghayan ng taumbayan ang mga personalidad na nagnanais tumakbo sa iba't ibang posisyon sa halalan sa 2025.

Kasama ang tauhan ng media sa pagkilatis sa mga naghain ng kanilang mga certificates of candidacy (COC) at certificate of nomination - certificate of acceptance of nomination (CON-CAN). 

Ibinahagi ng ilang nagbantay sa isang-linggong COC filing ang paghahanda at pananaw nila sa pagbato ng mga tanong sa mga aspirant.

Ani Dwight Ramos, reporter ng Rappler, mahalagang nakapag-research sila sa mga sa track record ng kakandidato dahil minsan lang humarap sa media ang ilan. 

ADVERTISEMENT

Kapansin-pansin naman para sa beteranong mamamahayag na si Mayen Jaymalin ng Philippine Star ang dami ng miyembro ng political families na naghain ng kandidatura, pati ang pagpasok ng mga social media influencer na isa sa mga bagong trend sa politika.

Mahigit 43,000 indibidwal ang naghain ng kandidatura sa iba't ibang posisyon sa buong bansa, ayon sa Commission on Elections (Comelec). 

Pero inaasahang hindi makaaabante ang lahat sa botohan, dahil sasalain pa ng Comelec ang mga tingin nilang seryoso o dapat na ma-disqualify sa sari-saring dahilan. – Ulat ni Sherrie Ann Torres, Patrol ng Pilipino


Video produced with Redryx Briones


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad