3 na nagpanggap na NBI agent para mangikil, timbog sa Parañaque | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 na nagpanggap na NBI agent para mangikil, timbog sa Parañaque
MAYNILA — Inaresto nitong Sabado ang tatlong lalaki matapos umanong magpanggap na ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) para kikilan ang isang establisimyento sa Barangay Tambo, Parañaque City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagpunta bandang alas-3 ng madaling-araw at naglabas ng pekeng search warrant ang tatlong suspek dahil nagbebenta umano ng iligal na tobacco at sigarilyo ang establisimyento .

Dito na nila tinakot ang 19-anyos na kahera ng tindahan at sinabing kinakailangan nilang magbigay ng nasa P100,000 kung hindi ay bibigyan sila ng kaukulang parusa at kukumpiskahin nila ang mga ilegal na produkto.

“Itong tindahan na ito karamihan ay Chinese products ang binebenta nila…. Kinausap nila ito tapos pinatawagan yung may-ari ng tindahan tapos doon nila sinabi na kung hindi sila makipag-areglo sa halaga ng P100,000 ay ipapasara ang tindahan at kukunin ang lahat ng nasa store na yun,” ani PMaj. Hazel Asilo, tagapagsalita ng Southern Police District (SPD).

Bukod dito, sinira ng mga suspek ang mga CCTV ng tindahan para magawa ang krimen. Sakto namang may dumaan na security guard na nakapansin sa komosyon.

“Nakita niya yung komosyon, tinanong niya kung anong nangyayari sa loob ng store tapos sinabi ng kahera na may search warrant ang mga ito,” ani PMaj. Asilo.

“Noong chineck niya at pina-verify din yung kanilang mga ID, napag-alaman na hindi tunay ang search warrant na hawak nila kasi hindi nagma-match yung search warrant pati yung hahanapin,” dagdag ng pulis.

Nang maaresto ng pulisya, dito nila nakumpirma na hindi NBI agents ang mga suspek.

Dito rin nalaman ng pulisya na may nabiktima rin na establisimiyento ang dalawa sa tatlong suspek sa kaparehong barangay kung saan nakakuha naman sila ng P38,000 sa isang spa.

Target umano ng mga suspek ang establisimiyento na isa lang ang nagbabantay.

“Kahera lang ang nandoon. Siguro ina-assume nila na kahera lang ito… madadala nila sa pananakot. Ganoon ang ginagawa nilang paraan para makapagnakaw sila, yung isa lang yung bantay… 19 years old lang itong kahera ng tindahan,” ani PMaj. Asilo.

Tumangging magbigay ng pahayag sa media ang mga suspek.

“Hayaan na lang natin sa court. No comment na lang kami,” sabi ng isang suspek.

PAALALA NG PULISYA
Nagpaalala ang Philippine National Police sa publiko kaugnay sa pagberika sa search warrants, at sinabing dapat suriin ito mabuti.

“I-check natin yung pagkakakilanlan, i-check natin yung ID nila. Hindi naman basta-basta magkaka-ID ang mga taong yan. Magpapakilala naman sila bago isilbi ang search warrant o warrant of arrest,” sabi ni PMaj. Asilo.

“Basahin mabuti kung ano ang nakalagay doon. Puwede niyo i-check sa court mismo kung nag-eexist ang signatory na judge bago niyo papasukin sa inyong establishments,” aniya.

Nakakulong na sa Paranaque Police Headquarters ang tatlong suspek, na nahaharap sa kasong robbery-extortion, grave threats, falsification of documents, usurpation of authority, at malicious mischief.

PANOORIN:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT