Ilang residente sa Marikina, lumikas sa gitna ng patuloy na pag-ulan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang residente sa Marikina, lumikas sa gitna ng patuloy na pag-ulan
MARIKINA — Walang humpay ang buhos ng malakas na ulan at hangin sa Marikina City mula pa alas-8 ng gabi nitong Huwebes.

Matapos umabot sa 15 metro ang tubig sa ilog banda 6:50 ng gabi, nagsimula nang magsilikas ang ilang residente sa lungsod.

Sa Barangay Malanday, nasa 50 pamilya o 263 indibidwal ang nananatili sa Bulelak covered court.

Ang 80 anyos na si Violeta Juisijan, mas pinili nang lumikas nang maaga kahit pa hirap nang makalakad at naka-wheelchair na.

Aniya, natuto na sila sa mga nagdaang bagyo kung saan mabilis na tumaas ang baha bago pa sila nagdesisyong lumikas.

“Nung Carina, hindi kami agad-agad pumunta dito aa evacuation center dahil akala namin hindi tataas ang tubig. Pero na-trap kami kasi nung umalis kami sa bahay, sa binti na ang tubig. Kaya pagdating namin dito sa mga evacuation center, mga puno na,” ani Violeta.

“Mahirap. Kung gusto kong pumunta doon, hinihila ko pa itong wheelchair,” dagdag niya.

Ayon sa lokal na pamahalaan, kusa nang lumilikas ang ilang residente kahit first alarm pa lang ang Marikina River.

“Basta kami naka-prepare. Kasi hindi natin alam lalo ngayon gabi, pinakamahirap mag-rescue. Kaya nadisplina na rin ang Marikeños,” sabi ni Rommel Acuña, konsehal sa District 1 ng Marikina City.

Sa Malanday Elementary School naman, binibigyan ng ID ang mga evacuee para maayos ang sistema sa loob gaya ng pamamahagi ng pagkain.

“Para well-accounted ‘yong mga tao na dumarating dito, malaman din po natin kung sino po yung mga buntis, ‘yong senior citizen at PWD, pati pets in-account din po natin,” ayon kay Harvey Ceurry, camp manager sa Malanday Elem. School.

Tiniyak naman ng Marikina LGU na may suplay ng pagkain at iba pang pangangailangan.

“May pino-provide ang city na food para sa mga dumadating pero kung sakali man na may darating na tulong, may mga food, malaking bagay para sa mga bata,” dagdag ni Ceurry.

Bandang 9:34 ng gabi nang umakyat sa 16 metro o second alarm ang nibel ng tubig sa Marikina River.