24 pamilya apektado ng sunog sa apartment building sa Mandaluyong

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

24 pamilya apektado ng sunog sa apartment building sa Mandaluyong

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Natupok ang isang aparment sa Barangay New Zaniga, sa Mandaluyong City, 12:44 ng madaling araw nitong Linggo, Oktubre 27.


Ayon kay SF03 Alvic Alabastro, fire arson investigator ng Mandaluyong City Fire Station, may anim na unit ang dalawang palapag na apartment.


Dagdag niya, may nadamay din na katabing gusali.


"Mabilis kumalat ang apoy kasi yung apartment na ito dahil made of light materials, mga made of wood parang lumang bahay lang kaya mabilis na lumaki ang apoy," sabi ni Ayon kay SF03 Alabastro.

ADVERTISEMENT


Dagdag ng SF03 Alabastro, isang fire volunteer ang nasugatan habang 24 pamilya o 115 indibidwal ang apektado.



"Maliit pa lang tapos nagsisigawan na nilabas ko na yung dalawang anak ko para ma-secure ko talaga," ayon kay Brian Trajico, isa sa mga nasunugan.


"Ang bilis kumalat ng apoy, wala pang isang minuto. Wala kaming naisalba kahit ano."


Dagdag niya, nasawi sa sunog ang kanilang isang aso: "Masakit po, inalagaan po namin yun eh."


Kabilang din sa nasunugan si Jane Ann Catbagan at anak niyang si Demien Kyle Catbagan, na nag-alala para sa mga alagang pusa.


"Yung mga pusa hindi pa namin makita ngayon," sabi ni Jane Ann Catbagan.

ADVERTISEMENT


"Yung mga pusa matagal na po kasi sa amin yun eh. Nagbabakasakali po ako na sana buhay pa po yung mga naiwan na dalawang pusa namin dun," sabi ni Demien Kyle Catbagan.


Itinaas sa first alarm ang sunog ng 12:47 a.m.


"Base doon sa interview namin ay nag-umpisa yung sunog dito sa front sa second floor, dito sa pinakaharap ng apartment," ayon kay SF03 Alabastro.


Idineklara ang fire out ng 1:50 a.m.


Umabot sa P1.9 million pesos ang halaga ng napinsala nito.

ADVERTISEMENT


Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang dahilan ng sunog.


IBA PANG ULAT




ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.