DOH nagdeklara ng Code White alert sa mga ospital ngayong Undas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DOH nagdeklara ng Code White alert sa mga ospital ngayong Undas

DOH nagdeklara ng Code White alert sa mga ospital ngayong Undas

ABS-CBN News

Clipboard

Itinaas ng Department of Health ang Code White Alert hanggang Ika-2 ng Nobyembre sa buong bansa kaugnay ng Undas.

Ang Code White Alert ay hudyat ng kahandaan ng mga ospital kung saan ang mga healthworkers tulad ng mga general at orthopedic surgeons, anesthesiologists, internists, operating room nurses, ophthalmologists at otorhinolaryngologists ay handang tumugon anumang oras o sa mga emergency.

Kasama rin na naka alerto ang Operations Center (OPCEN) ng mga ospital para makipag-ugnayan at mag-ulat sa mga regional at central office ng Kagawaran.

Pinapayuhan naman ng Kagawaran ang publiko na planuhing bumisita sa sementeryo sa mga oras na hindi gaanong matao. Makatutulong din na magdala ng tubig, pagkain, first aid supplies, at payong.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.