Pagkain at inuming Pinoy isinulong sa Hong Kong | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagkain at inuming Pinoy isinulong sa Hong Kong

Pagkain at inuming Pinoy isinulong sa Hong Kong

Annalyn Mabini,

TFC News,

Hong Kong

Clipboard

HONG KONG – Isinulong sa Hong Kong ang mga pagkain at inuming Pinoy sa idinaos na educational workshop na inorganisa ng Hong Kong Polytechnic University o HKPU noong October 24 sa School of Hotel and Tourism Management.

 

Lumahok sa nasabing workshop ang halos 40 students at staff mula HKPU.


Ginanap na educational workshop sa Hong Kong

Kinatawan ng Pilipinas ang grupo mula Department of Trade and Industry sa pamamagitan ng Philippine Trade and Investment Center - Hong Kong at ilang food and drinks companies mula Pilipinas na pinangunahan ni Atty. Roberto B. Mabalot, Jr., Vice Consul (Commercial) and Commercial Attache.

 

Ibinahagi ni Atty. Mabalot sa workshop ang ilang produktong Pinoy na namamayagpag sa merkado ng syudad. Nagbahagi rin ang mga kumpanyang Pinoy patungkol sa kanilang mga produkto at ang patuloy na pagpapa-unlad sa mga nasabing produkto. Naghain din sila ng kanilang mga food and drink products sa mga lumahok.

 

Ayon pa sa PTIC-HK, layon ng workshop na ibahagi sa Hong Kong ang beverage culture ng Pilipinas. Patuloy ang pagsusulong ng mga produktong Pilipino sa syudad.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.