FACT CHECK: AI-generated ang video umano ng pananalasa ni bagyong Nika | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: AI-generated ang video umano ng pananalasa ni bagyong Nika

FACT CHECK: AI-generated ang video umano ng pananalasa ni bagyong Nika

ABS-CBN Investigative and Research Group

 | 

Updated Nov 14, 2024 06:16 PM PHT

Clipboard

Peke at manipulado ang video sa isang TikTok post na nagpapakita ng diumano’y pagbaha sa Naga City, Camarines Sur sa gitna ng pananalasa ng bagyong Nika. Makikita rin sa video ang nakalapat na teksto na nagsasabing,“Ingat Naga City🙏#BagyongNikaPh.”

Pero ang totoo, binuo gamit ng artificial intelligence (AI) ang video sa nasabing TikTok post. Makikita sa itaas na bahagi ng TikTok video ang logo o watermark ng isang AI video generator na “Luma Dream Machine.”

Sa analysis ng “Truemedia.org,” isang website kung saan maaaring matukoy ang mga deep fake sa social media, napatunayang peke o artificial intelligence (AI) generated ang video na kumakalat.

“Video looks fake and it appears a body dropped out of the sky, though there is no news recording such a happening,” ayon sa analysis ng Truemedia.

ADVERTISEMENT

Bago pa man manalasa ang bagyong Nika sa bansa, nai-upload na ang AI-generated video sa TikTok noon pang Nobyembre 10, 2024. Umaga ng Nobyembre 11, 2024 naman unang nag-landfall ang nasabing bagyo sa Dilasag, Aurora.

Wala ring naitalang pagbaha sa Naga City, Camarines Sur at Wind Signal no. 1 lang ang nakataas dito. Tanging sa hilagang Luzon naganap ang mga naiulat na pagbaha kung saan nakataas ang Wind Signal No. 4.

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility noong Nobyembre 12, 2024 ang bagyong Nika. Kaagad naman itong sinundan ng bagyong Ofel na nag-landfall ngayong araw, Nobyembre 14, 2024, sa Cagayan kung saan nakataas ang Wind Signal No. 4.

Hindi ito ang unang beses na ginamit ang AI sa mga peke at manipuladong content na ipinapakalat online.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.como X (dating Twitter) account @abscbnfactcheck.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.