Deportation proceedings ni Alice Guo, ipinahihinto ng kanyang abogado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Deportation proceedings ni Alice Guo, ipinahihinto ng kanyang abogado

Deportation proceedings ni Alice Guo, ipinahihinto ng kanyang abogado

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

Clipboard

Wala nang suot na Kevlar helmet at bullet-proof vest ng dumating sa kanyang deportation hearing si dating Bamban mayor Alice Guo nitong umaga ng Biyernes.

Pero marami pa ring security ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa paligid.

 Ang pagdinig ay kaugnay sa mga Immigration document ni Guo, umanoy overstaying at deportation case sa Bureau of Immigration. 

Kaya’t bukod sa mga opisyal ng Bureau of Immigration, BJMP, dumating din ang mga kawani ng Department of Foreign Affairs dahil kasama sa pagdinig ay ang clarification ng kanyang birth certificate.  

ADVERTISEMENT

Umpisa pa lang ng pagdinig, hiniling ng abogado ni Guo na si Atty. Stephen David na ma-kansela na ang deportation proceedings dahil ginigiit niyang Pilipino si Guo. 

Kinekwestyon din nila ang mga dokumentong naunang na-iprisinta ng NBI kaugnay sa kanyang fingerpints.

 “I’m asking the immigration to dismiss this case, what if ma-discover na Pilipino talaga siya? What if that country like China will not accept her? They can say she’s not a Chinese citizen. Wala naman sinasabi ang Chinese embassy na Chinese siya. Why can’t they wait for the decision of the court that her  document if it is fraudulent? Paano nga kung Filipino siya, saan mo siya ide-deport? Unfair naman yon I deport siya sa country na hindi siya na re recognize doon magiging stateless siya,” sabi ni David.

Tinanong din ni David kung ano nga ba ang mangyayari sakaling ma-deport ang kanyang kliyenteng si Guo. 

Pero ayon kay Immigration Board of Special Inquiry head na si Atty Gilbert Repizo na masyado pang maaga sagutin ang kanyang tanong.

ADVERTISEMENT

"We don't anticipate and we don't paint advanced scenario, saka na natin problemahin,“ sagot ni Repizo sa hearing.

 Binigyan ng Immigration ang kampo ni Guo ng 15 araw na maghanda ng mga ebidensya na magpapatunay na Pilipino talaga siya.

 “The board gave them 15 working days na i-substantiate yung sinasabi nila,  because statements can be perjured, documents can be falsified. Data can be misrepresented... But you cannot alter biological imprints. Kung ihi mo, ihi mo. Laway mo, laway mo. Buhok mo, buhok mo. Thumbprint mo, thumbprint mo . This is more precise because this is covered by forensic science. Inexamine sa laboratory, so doon kami nagtatalo,” ayon kay Repizo. 

 Ayon naman kay David, may kaso na sa Bamban RTC kaugnay sa birth certificate ni Guo. Hiling niya ay hintayin na lang ang desisyon ng korte.

“I was repeatedly manifesting right now they have file a case sa Bamban RTC questioning Alice Guo. There's a document that she’s a Filipino. Why don't they wait for it?“ dagdag ni David. 

ADVERTISEMENT

Kaugnay naman sa kalagay ni Guo sa Pasig City Jail, sinabi ni David na nalulungkot ang dating mayor sa loob pero hindi umano sya pinanghihinaan ng loob.

“Malungkot, pero very strong-willed. Very malalim ang paniniwala po nyan sa Panginoon. Her conviction is...basta wala naman siyang sinaktan na tao, wala naman siyang ninakaw. Lahat yan pagsubok lang ng Panginoon.” 

Ang tanging hiling lang ni Guo sa pasok ayon sa kanyang abogado ay makauwi. “Makauwi na… sa kanyang farm,” dagdag ni David. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.