Babae, sinaksak nang 25 beses sa parke sa Las Piñas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae, sinaksak nang 25 beses sa parke sa Las Piñas

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Patay ang isang babae matapos pagsasaksakin sa isang parke sa Barangay Manuyo Dos sa Las Piñas, Lunes ng tanghali.

Kinilala ng mga kaanak ang biktima na si Janilyn Cuña-Quinto, 29-anyos at residente ng lungsod. 

Ayon kay Las Piñas Col. Sandro Jay Tafalla, nasa parke ang biktima kasama ang isang lalaki, ayon sa mga nakakita sa krimen.

"According doon sa ating mga witnesses, ay nakita nilang nag-aaway. May pagtatalo, so after ng pagtatalo nauwi na sa saksakan… Noong tumahimik, nakita nilang puno na ng tadtad ng saksak ang babae at wala na yung lalaki na kasama niya," sabi ni Tafalla.

ADVERTISEMENT

"Dinala agad ng mga first responders sa ospital, yung mga taga-barangay at yung mga tao sa area kasi may mga gwardiya doon, pero she was pronounced dead on arrival [sa ospital]," dagdag niya.

Ayon sa Las Piñas police, nagtamo ng 25 saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan ang biktima. 

Nakuha rin nila sa crime scene ang naputol na kutsilyo na ginamit sa krimen at maging ang cellphone ng biktima.

Dagdag ni Tafalla, ang naturang cellphone ang naging susi para matunton nila ang suspek, matapos tumawag doon ng isang delivery boy na mag-aabot sana ng online order ng biktima.

"Around late morning may tumawag sinasabing may order ang biktima. Nagtaka ang delivery boy bakit ang sumasagot ay lalaki, so noong sinagot ng ating pulis, sinabi natin sa delivery boy ang sinapit ng biktima. Then after that, nalaman natin yung buong pangalan ng victim at address niya sa Pasay," sabi ni PCol. Tafalla.

ADVERTISEMENT

"Pinuntahan ito ng ating kapulisan. At noong papunta ang ating kapulisan sa Pasay ay may tumawag na kaibigan ni Janilyn [sa cellphone]. So to validate the information we received a call from the friends, so sinabi namin ang nangyari," dagdag niya.

Ayon sa pulisya, pagdating nila sa address ng biktima sa Pasay at nakipagkita umano sa kanila ang kanyang asawa. Inimbitahan nila sa istasyon ang lalaki para magbigay sana ng statement at doon siya umano nakita ng mga witness at positibong itinuro na huling nakasama ang biktima sa parke.

"Noong ininterview namin siya yung mga sagot niya medyo evasive. Nung ininvite natin siya sa istasyon, nakita siya nung mga witness ay positibong siya ang itinuro na siya ang huling kasama [ng victim]. Hindi lang isang witness kundi dalawa," sabi ni Tafalla.

Sa ngayon ay nakakulong na sa Las Piñas police ang suspek na itinanggi ang mga alegasyon.

"Wala po akong kinalaman doon, inosente po ako. kasi yung araw na sinasabi nilang nangyari po iyon, nasa bahay lang po ako buong araw yun, at hindi po ako umaalis," giit ng suspek.

ADVERTISEMENT

Hustisya ang panawagan ng kapatid ng biktima.

"Grabe po yung ginawa kay ate, ginawa pong hayop. Pagkakita po namin sa punerarya para hindi na po namin makilala ang ate ko, grabe yung ginawa. hindi makatao ang ginawa sa ate ko. hustisya lang po ang kailangan namin," sabi ni John Cuña, kapatid ng biktima.

"Sobrang bait ng ate ko, salo niya po lahat ng gastusin, pagkain, bayarin sa kuryente, ngayon, wala na ho, para kaming nawalan ng lahat," dagdag niya.

Nananawagan din ng tulong pinansyal ang amang si Juan Cuña dahil wala silang pera para matubos sa punerarya ang bangkay ng anak.

"Sana matulungan po kaming na mailabas sa morgue kasi ang babayaran 60,000 po eh walang wala po kami. 

ADVERTISEMENT

Noong Lunes, wala na pala ang anak ko. Napakasakit sa akin,” sabi ni Cuña, ama ng biktima.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng motibo sa likod ng krimen.

Mahaharap sa reklamong parricide ang suspek. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.