Lalaking 'lulong' sa sugal arestado matapos umanong magnakaw ng motor
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking 'lulong' sa sugal arestado matapos umanong magnakaw ng motor
MAYNILA — Inaresto ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang 25-anyos na suspek sa pagtangay ng isang nakaparadang motorsiklo sa bahagi ng Aurora Boulevard sa Barangay Quirino 3A nitong Lunes ng madaling-araw.

Sa backtracking ng mga CCTV sa lugar, nakita ang mga dinaanan ng suspek hanggang sa matunton at maaresto ito dala ang ninakaw na motorsiklo.

"Lahat ng kanyang dinaanan ay binacktrack hanggang sa matunton siya dito sa may bahagi ng Imperial. So nung makita po ng ating mga operatiba na bitbit niya 'yung motor kaagad ay inaresto po 'yung suspek po na positibo ring kinilala ng biktima," sabi ni Dennis Telen, chief investigator ng QPCD DACU.

“Ayon sa imbestigasyon po ay ito po ay dadalhin po sa bahagi po ng Maynila, naghihintay lang po ng sasakyan para dalhin po sa Maynila at ibenta po ito,” dagdag niya.

Posible umanong ipachop-chop ng suspek ang nakaw na motor.

Lumalabas naman sa imbestigasyon na hindi nai-lock ng may-ari ang manibela ng motor kaya madali itong natangay ng suspek.

Kaya paalala ng awtoridad: “Huwag kalimutan na yung motor i-lock ang manibela, dapat kung magpaparada ng motor sa matao po at sa hindi liblib na lugar at gumamit po tayo ng gadget na tinatawag na alarm nang sa ganun maiwasan ang mga carnapper na ito, kung may kakayahan sila puwede lagyan ng gps tracker po.”

“Pinapayuhan din po natin sila na tignan tignan din natin [ang ating motor] kung maaari ipagbilin po natin kung may guwardiya sa nasabing lugar, ibilin po natin dun sa guwardya yung ating mga motorsiklo,” dagdag niya.

Aminado ang biktima na di niya nai-lock ang motor, bagay na hindi na umano mauulit.
Aminado ang biktima na di niya nai-lock ang motor, bagay na hindi na umano mauulit.
ADVERTISEMENT
“Nung una po akala ko nagbibiruan lang kaming magtro-tropa, tapos nung nalaman kong wala talagang tumutunog sir ayon po,” sabi ni Dion Cuevas, may-ari ng motor.

“Kaka-open lang po kasi kaya tinulak lang po niya, ayun nga po sir di ko po na-lock, lagi na lang po maglock kahit saang lugar po,” dagdag niya.

Paliwanag ng suspek, nagawa niya ang krimen dahil sa pagkalulong sa bisyo. Naisangla niya umano ang sariling motorsiklo at di na natubos dahil sa sugal.

“Alam ko na pong may CCTV sir nagawa ko pa rin po sir kasi gawa nga po sir g sa pangangailangan po ng pera at yung motor ko po sir nabenta lang po sir nito lang pong November 2 lang po sir. Nagpumilit po ulit akong makagawa ng di maganda para mahabol yung nawala po sa akin, [bakit nawala?] sa sugal po sir,” sabi ng suspek.

“Sir, ako po humingi ng kapatawaran sa may-ari, bigyan lang po ako ng second chance di naman talaga ako ganun kasama, ngayon ko lang po kasi nagawa yung ganitong krimen gawa po sa nagawa kong pagsusugal na di dapat gawin,” dagdag niya.

Sa kabila ng pakiusap ng suspek, desidido ang biktima na sampahan siya ng reklamong paglabag sa R.A. 10883 o ang New Anti-Carnapping Law of 2016 ang suspek.