1 patay sa karambola ng 6 sasakyan sa Osmeña Highway | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1 patay sa karambola ng 6 sasakyan sa Osmeña Highway

Larawan mula kay Kevs Macquins

MAYNILA Isa ang patay at lima ang sugatan sa karambola ng anim na sasakyan sa northbound lane ng Osmea Highway sa Makati nitong Miyerkules ng madaling-araw.

Sa video na kuha ng isang netizen, kita na nakapatong pa ang SUV sa delivery van na resulta ng karambola ng mga sasakyan pasado alas-2 ng madaling-araw.

Patay ang driver ng mini van at sugatan ang dalawang sakay nito, matapos mabangga ng 16-wheeler truck.

Dahil sa lakas ng impact, tatlong sasakyan sa harapan pa ang nabangga, kabilang na ang isang tanker at dalawang sedan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nag-overtake umano ang minivan sa 16-wheeler na truck, at huli na nang makapreno.

Ayon sa alegasyon ng driver na nakabangga, diumano mayroon tayong tatlong sasakyan at bigla na lamang kumanan yung isang sasakyan kung saan noong nagkaroon ng red light, nakahinto ang vehicle one hanggang vehicle 5, ani PCapt. Jenibeth Artista, tagapagsalita ng Makati police.

Ngayon, yung ating truck driver, hindi na nakapagpreno kasi sabi niya biglang kumabig pa-kanan yung kanyang nabangga. Kung saan ang nabangga niya, ito yung truck Ayon sa kanya, hindi na siya nakapagpreno, dagdag niya.

Wala nang magawa si Elmer Almendras kundi hawakan ang bangkay ng kanyang pinsang si Alvin, driver ng minivan, at tawagan ang kanilang mga kaanak.

Ikinalungkot niya ang mabagal umanong pagresponde ng awtoridad.
Ikinalungkot niya ang mabagal umanong pagresponde ng awtoridad.
ADVERTISEMENT
Siguro naging trapik o naging mabagal ang aksyon. Dapat pag ganyan aksidente dapat mabilis. Talagang wasak ang sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin dito, ani Almendras.

Iginiit naman ng driver ng truck na aksidente ang nangyari. Mabagal aniya ang kanyang pagpapatakbo at hindi rin nakainom habang nagmamaneho.

Ini-cut ako ng minivan kaya nagkaroon ng aksidente, kung hindi niya ko kinut, hindi ko siya mababangga, sabi ng driver.

Hindi ko naman talaga sinasadya ang nangyari, dagdag niya.

Isa sa mga hamon ng imbestigasyon ay ang kawalan umano ng CCTV sa lugar at dashcam sa mga nasangkot na sasakyan.
Isa sa mga hamon ng imbestigasyon ay ang kawalan umano ng CCTV sa lugar at dashcam sa mga nasangkot na sasakyan.
ADVERTISEMENT
Medyo madilim ito at walang mga CCTV footage kaya inaantay natin ang mga complainant natin at mga biktimang sugatan para makuhanan natin ng statement, sabi ni Artista.

Accident prone umano ang Osmena Highway, kaya may paalala ang pulisya sa mga motorista.

Mangyari na tayo ay mag-ingat, i-observe natin yung traffic signs, signals dahil nakasalalay ang ating buhay at maaari na ma-involve tayo sa aksidente. Dapat maging vigilant din tayo, sabi ni Artista.

Hawak na ng Makati police ang suspek, na posibleng maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple injuries and damage to properties at homicide.