Sunog, sumiklab sa gusali sa kanto ng EDSA at Aurora | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sunog, sumiklab sa gusali sa kanto ng EDSA at Aurora

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA (UPDATED) — Nasunog ang isang commercial building sa kanto ng EDSA at Aurora Boulevard sa Quezon City, pasado ala-sais ngayong umaga.

Ang gusali ay kilalang bilang ACT Theater kung saang may mga maliliit na stall sa ibaba ng anim na palapag na gusali.

Ayon sa BFP, agad iniakyat sa unang alarma ang sunog bago ito idineklarang under control dakong 8:09 ng umaga.

Sa lakas ng apoy ay kinailangang gumamit ng breathing apparatus at ng mga loop machine ng BFP para maapula ang apoy mula sa lumang gusali.

"Kung napansin po ninyo wala pong mga bintana, meron naman pero maliliit po so kapag bumobomba po ang ating bumbero ung usok ay bumabalik, walang ventilation yung building," sabi ni Fire Chief Inspector Marvin Mari, chief operations ng Bureau of Fire Protection Quezon City.

Dagdag niya, gawa sa light materials ang gusali at walang daluyan ng hangin kaya mabilis kumalat ang apoy.

Ayon kay Allen Calzado, isa sa mga empleyado ng ukay-ukay store, magbubukas pa lang sana nang mangyari ang insidente kaninang umaga.

“Para sa amin, pamilya na rin po namin yan kaya nagiiyak po kami dahil sa isang taon namin bakit ngayon pa December pa,” sabi ni Calzado.

Lumikas din ang ilang mga residente ng katabing condominium building dahil sa kapal ng usok mula sa nasusunog na gusali. Maging ang mga nagtitinda ng pagkain, gadgets at iba pa sa labas ng gusali ay napilitan na ring lumikas dahil sa lakas ng usok.

Alas 7 ng umaga isinara sa mga motorista ang bahagi ng EDSA northbound lane sa kanto ng Aurora Boulevard.

Dito kasi pumarada ang mga bumbero na rumesponde sa sunog. Binuksan ito muli sa mga motorista pasado alas onse ng umaga.

Sa ngayon ay inaalam pa ng BFP kung ilang stalls ang natupok. Wala namang naitalang nasawi sa sunog habang may 2 indibidwal ang nagtamo ng minor injuries.

Patuloy rin nilang iniimbestigahan ang posibleng pinagmulan ng apoy at kabuuang halaga ng pinsala ng sunog.