Estudyante patay matapos nakawan, saksakin sa sariling bahay
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Estudyante patay matapos nakawan, saksakin sa sariling bahay
ABS-CBN News,
Dennis Datu
Published Feb 01, 2024 05:45 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

BABALA: Ang naturang video ay may maselang footage na mapapanood o tunog na maririnig.
Hindi masukat ang sakit na nararamdaman ni Norberto Dela Cuesta sa brutal na sinapit ng kaniyang 18-anyos na apo na mula sa pagkabata ay siya na ang nagpalaki.

"Masakit talaga hindi ko matanggap minsan kapag mag-isa ako nalalaglag ang luha ko,” ani Dela Cuesta.

Linggo ng hapon, natagpuan ang duguang bangkay ng biktimang si Louise Odette Dela Cuesta sa kwarto ng kanilang bahay sa Barangay Tatala sa Binangonan, Rizal.

Ayon kay Lolo Norberto: "Kung pera lang ang kaniyang kailangan, kinuha na lang sana. 'Yung apo ko nag-iisang anak 'yan. May maganda pa 'yan kinabukasan, simula noog mag-aral 'yan consistent honor eh.”

First year college student sa PUP Sta. Mesa ang biktima na kumukuha ng kursong Banking and Finance.

Sabi ni Lolo Norberto, iniwan lamang niya ang kaniyang apo sa bahay dahil may binili lang siya sa hardware store nang pagbalik niya ay bumulaga na sa kaniya ang karumal-dumal na sinapit ng apo na tadtad ng mga saksak.

Ayon kay P/Captain Mariesol Tactaquin, tagapagsalita ng Rizal PNP, nagtamom ng 10 saksak, palo sa ulo, at lacerated wound ang biktima. Wala naman umanong senyales na ginahasa ito.

Dagdag ng mga awtoridad, maaaring pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil nawawala ang cellphone at wallet nito.

Sa CCTV na kuha sa labas ng bahay ng biktima, maririnig pa ang pagsigaw nito.
Sa CCTV na kuha sa labas ng bahay ng biktima, maririnig pa ang pagsigaw nito.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Rizal PNP, apat na lalaki na pawang mga trabahador sa pinapagawang bahay ng lolo ng biktima ang itinuturong suspek sa insidente.

Kita rin sa CCTV ang mga suspek nang pumasok sa bahay ng biktima at ang isang nakahubad na lalaki na patakas.

Ayon kay Capt Tactaquin: “Wala po makita na pwersahan kasi mayroon part ng bahay na para bang itutulak lang ang yero ay makakapasok ka na dahil po 'yung bahay ay ginagawa. Wnder construction sa kanilang compound."

Dalawa sa mga suspek ang naaresto na sa follow up operation at kinasuhan na ng robbery with homicide.

Narekober na rin ng mga pulis ang kutsilyo na ginamit sa krimen.
Narekober na rin ng mga pulis ang kutsilyo na ginamit sa krimen.
ADVERTISEMENT
Patuloy pang tinutugis ang dalawa pang suspek na sinampahan na rin ng kaso. —Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News