2 poste sa Valenzuela City natumba matapos sumabit sa trak ang mga kable

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 poste sa Valenzuela City natumba matapos sumabit sa trak ang mga kable

ABS-CBN News,

Job Manahan

Clipboard

 Kasalukuyang tinatanggal ang posteng nakahambalang dito sa MH Del Pilar Street, Arkong Bato, Valenzuela matapos sumabit sa 16-wheeler truck. Walang kuryente at internet sa malaking bahagi ng lugar na ito nang mangyari ang insidente bandang 11 p.m. nitong Huwebes. Job Manahan, ABS-CBN News Kasalukuyang tinatanggal ang posteng nakahambalang dito sa MH Del Pilar Street, Arkong Bato, Valenzuela matapos sumabit sa 16-wheeler truck. Walang kuryente at internet sa malaking bahagi ng lugar na ito nang mangyari ang insidente bandang 11 p.m. nitong Huwebes. Job Manahan, ABS-CBN News
MAYNILA — Idinadaing ng ilang residente ng Barangay Arkong Bato sa Valenzuela City nitong Huwebes ng gabi ang kawalan ng kuryente at internet matapos matumba ang 2 poste sa kahabaan ng M.H. Del Pilar Street.
Ito'y matapos sumabit at mahila ng isang trak ang mga kable kaya natumba rin ang dalawang poste.
 
Bandang ala-1 ng madaling araw tinatanggal ng mga contractor ang mga kable. Naiayos ang mga ito pasado alas-4 ng madaling araw at natanggal na rin ang dalawang natumbang poste.
 
Sabi ng mga residente, perwisyo sa kanila ang nangyari.
 
Nag-aaalala si Heidi Amurao dahil apektado ang kanyang kabuhayan at paghahanda ng kanyang mga anak sa pagpasok sa paaralan.
 
“Yung mga baboy ko, mga paninda kong barbecue. Katulad niyan, walang kuryente. Yung ref diba? Masisira paninda ko,” ani Amurao.
 
“Breastfeeding ako sa bunso ko so pinatulog ko na lang sa kabilang bahay,” dagdag niya.
 
Sabi ni Amurao at iba pang residente, madalas ang ganitong insidente sa kanilang daan simula nang pataasan ito noong isang taon. Pangatlo na umano ang ganitong insidente simula Disyembre.
 
Dagdga niya mabilis umano ang takbo ng trak.
 
“Hinabol ko talaga siya. Pag-ano ko, nakatigil na siya. Yun pala nasabitan na niya yung mga poste,” aniya.
 
Hindi pa tukoy ng mga awtoridad kung ilang bahay ang nawalan ng kuryente at internet at kung anong oras ito maibabalik.
 
May ibang bahay na mayroon nang kuryente.
 
Patuloy naman ang pagpapalit ng mga bagong poste.
 
Kasalukuyang nasa traffic sector ng Valenzuela Police Station ang driver habang iniimbestigahan ang insidente.
 
Tumanggi itong magbigay ng pahayag.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.