10 bahay nasunog sa Binangonan, Rizal | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
10 bahay nasunog sa Binangonan, Rizal
BINANGONAN, Rizal — Nasa 10 bahay at P750,000 halaga ng ari-arian ang natupok sa Barangay Darangan sa Binangonan, Rizal nitong Sabado, kung saan 17 pamilya ang apektado.

Isa ang sugatan na lalaking volunteer, na dinala agad sa pagamutan, sabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) Binangonan.

Nagsimula ang sunog 9:17 ng gabi at itinaas agad ang first alarm ng 9:19 p.m. at second alarm ng 9:37. Idineklara itong fire out ng 10:19 p.m, sabi ni SFO1 Julian Lenon Membreve, imbestigador ng insidente.

Nahirapan umano ang mga bumbero sa pagresponde sa sunog.
Nahirapan umano ang mga bumbero sa pagresponde sa sunog.
ADVERTISEMENT
“Medyo maliit ‘yung kalsada at hindi maka-penetrate ‘yung malaking truck natin. Medyo crowded din ‘yung area, yung mga tao medyo magulo habang kami ay nagpe-perform ng firefighting operation natin,” ani SFO1 Membreve.

Naisagawa naman ang crowd control, dagdag niya.

“Mabilis kumalat kasi light materials ang gamit dito, so ‘yun ang naging cause ng mabilis na pagkalat ng apoy,” ani Arvin Cruz, administrator ng Barangay Darangan.

Naiyak na lang si Judy Ann Dionisio nang makita ang sinapit ng kanilang bahay.

Sabi ni Dionisio, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng kanilang kapitbahay. Wala siyang naisalbang gamit gawa ng pagkataranta para makalabas.

“Nakikita ko ang laki na ng apoy sa taas nila. So nadamay na agad ‘yung sa amin kasi sobrang magkalapit lang talaga ‘yung bahay namin at bahay nila, kahoy lang kasi,” ani Dionisio.

“Siyempre ang hirap magsimula, hindi namin alam saan kami titira,” dagdag niya.

Humihingi siya ng kaunting tulong pinansyal para makapagsimula muli ang kanyang pamilya.

Walang tao sa bahay nina Shailla Gamao, kung saan nagsimula umano ang apoy. Aniya, nasa second floor ng kanilang bahay ang fuse ng kanilang kuryente.

“Noong nagsimula ang sunog, sa bubong. Walang nagluluto. Walang tao kasi nandoon kami sa kabilang bahay, ang simula talaga niyan sa bubong, mayroong fuse, siguro sa kuryente,” ani Gamao.

“Walang nagluluto kasi nasa kabila ‘yung nagluluto, ilaw lang. Ang ano lang namin, kahoy,” dagdag niya.

Nangako ng tulong ang pamunuan ng barangay sa mga apektadong pamilya. Mamimigay din ng pagkain at toiletries ang barangay.

Pamansamantalang nasa Saint Francis of Assisi Chapel na kalapit ng barangay ang 17 apektadong pamilya. Namahagi ang church volunteers ng sabaw at pagkain sa mga nasunugan.

RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT