State of calamity idedeklara sa mga bayan sa Mindoro dahil sa El Niño | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

State of calamity idedeklara sa mga bayan sa Mindoro dahil sa El Niño

State of calamity idedeklara sa mga bayan sa Mindoro dahil sa El Niño

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Ipinakikita ng mga magsasaka sa Bulalacao, Oriental Mindoro ang epekto ng El Nio sa mga lupain sa kanilang lugar. Dennis Datu, ABS-CBN News
Ipinakikita ng mga magsasaka sa Bulalacao, Oriental Mindoro ang epekto ng El Nio sa mga lupain sa kanilang lugar. Dennis Datu, ABS-CBN News

MAYNILA --Malawak na ang epekto sa mga pananim ng matinding tag-init dulot ng El Niño sa Bulalacao sa Oriental Mindoro at bayan ng Looc sa Lubang Island sa Occidental Mindoro.
 
Pinangangambahang mas titindi pa ang magiging pinsala sa mga sakahan dahil batay sa advisory ng PAGASA, sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero ay dry spell na ang mararanasan sa Oriental Mindoro at drought naman sa Occidental Mindoro.
 
Sa tala ng Municipal Agriculture Office, nasa 508 ektarya na ng palayan sa Bulalacao ang natuyo na lamang at hindi na bumunga.
 
Natuyo na rin kasi ang mga ilog na pinagkukunan ng irigasyon gaya ng Cavillan River.


Ang resulta, nagkabitak-bitak na ang mga lupang sakahan.
 
Sa Barangay Nasukob, bakas na lamang ng mga tanim na palay ang makikita sa malawak na sakahan.
 
“Dati may tanim na palay, pinakain na lang ng may ari sa kalabaw para mapakinabangan,“ sabi ni Rommel De Guzman, municipal agriculture officer.
 
Disyembre pa lamang noong nakaraang taon ng magsimulang maramdaman ang El Niño sa Bulalacao.
 
Sabi ni De Guzman, nagpaalala na sila sa mga magsasaka na magpalit muna ng pananim dahil sa inaasahang El Niño, pero nagtanim pa rin sila ng palay para sa second cropping season.
 
“As early third quarter last year, nagkaroon na ng announcement ang Department of Agriculture na magkakaroon ng El Niño. 'Yung mga kababayan natin na farmers nagbakasakali na ang Bulalacao hindi maapektuhan, despite the warning nag-tanim pa rin sila,” dagdag ni De Guzman.


May 1.5 ektarya ang palayan ni Monique Abubakar pero wala siyang napakinabangan .
 
Ngayon nangangamba siya kung saan sila kukuha ng ikabubuhay.
 
“Mahaba po ang taggutom sa amin kasi February pa lang ngayon, ang ani po ulit namin ay November ,ilang buwan kaming walang konsumo,wala kami palay,” sabi ni Abubakar.
 
Maayos naman na irigasyon ang apela ng magsasakang si Aldrin Madra.
 
“Ang panawagan po naming ay magkaroon kami ng impounding tapos kongkretong kanal. Para yung sa kaduluduluhan ay maabot ng tubig para mapadali ang daloy ng tubig,” sabi ni Madra.
 
Higit 300 ektarya na rin na taniman ng sibuyas ang naapektuhan.
 
May ilang pang mga tanim na sibuyas ang kulay berde na aanihin sa buwan ng Abril, pero sabi ng Municipal Agriculture Office, hindi na sila sigurado sa kalidad ng magiging bunga nito dahil sa kawalan ng tubig.
 
Nasa P60 million na ang halaga ng pinsala sa sibuyas at P25 million naman sa palay sa bayan ng Bulalacao.


Sa Lunes, idedeklara ang state of calamity sa bayan ng Bulalacao.
 
Tulong mula sa national government ang panawagan ni Mayor Neil Villas.
 
“Kawawang-kawawa, kaya ako ay humihingi ng tulong particular sa Department of Agriculture, sa DSWD, sa TESDA, DOLE, sa ating mahal na president na tulungan ang buong Mindoro particularly ang Bulalacao,” apela ni Mayor Villas.
 
Sa bayan ng Looc sa Lubang Island, nasa 200 ektarya na rin ng mga taniman ng palay, mais at gulay ang apektado ng matiding tag-init.
 
“Dati po ang aming isang ektaryang sakahan ay umaani ng 100 kaban sa ngayon ay halos lahat po ay hindi nakabunga” sabi ng magsasakang si George Dagalan.
 
Ayon kay Looc Mayor Marlon Dela Torre, nag-aaway na ang magsasaka para lang makakuha ng tubig sa irigasyon.
 
“Wala na po dumaloy na tubig at halos mag-aagawan na ang aking mga kababayan na magsasaka. Paalala ko nga sa kanila, huwag mag-aaway kasi minsan nagkakatampuhan dahil sa agawan ng tubig,” sabi ni Mayor Dela Torre.
 
Nasa P9 million na ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa Looc.
 
Pangamba ni Mayor Dela Torre, baka magkaroon ng taggutom sa kanilang lugar dahil ang pagsasakaang kanilang isa sa pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan.

ADVERTISEMENT

“Iniisip namin magiging kakulangan namin sa pagkain, dahil sa suplay ng bigas. Ang second crop kasi inaasahan namin para makatuloy, makasuporta sa pagkain ng mga tao,” sabi pa ni Mayor Dela Torre.


Tulong ang panawagan ng alkalde sa national government.
 
Nakatakda ring ideklara ang state of calamity sa Looc.
 
Ayon naman kay Asec. Joey Villarama, spokesperson ng Task Force El Niño, may nakahandang tulong ang Department of Agriculture sa mga naapektuhan ng tagtuyot bukod pa sa mga binhi .
 
“Kung nag-deklara na ng state of calamity 'yung LGU, makakahingi sila ng tulong mula sa Department of Agriculture sa pamamagitan ng quick response fund. Kailangan lang magsumite ng report ng ang LGU sa DA regional field office,” sabi ni Asec. Villarama.
 
KAUGNAY NA ULAT:


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.