PNP naalarma sa pagtaas ng kaso ng 'hijack profile scam' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PNP naalarma sa pagtaas ng kaso ng 'hijack profile scam'

Raya Capulong,

ABS-CBN News

Clipboard

Nababala ang Philippine National Police, Martes, sa pagtaas ng kaso ng "hijack profile scam” o “online identity theft”.

Ayon sa PNP Anti-Cybercrime Group, sa “hijack profile scam” napapasok ng mga kriminal ang social media account ng mga biktima at ginagamit ito para manghingi ng pinansyal na tulong sa mga kaibigan ng biktima. 

Ginagamit anila ng mga scammer ang iba’t ibang paraan para ma-access ang social media account ng mga biktima, kabilang ang phishing, hacking, o social engineering techniques, na labag sa probisyon ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, laban sa Illegal device Access, Computer related fraud, at computer related identity theft. 

"Alarming in the sense na tumataas po sya at one of the challenges po talaga na-mention na natin before ang hirap talaga ma-trace nitong mga ito kasi we are facing nameless and faceless criminals hiding their identity behind a cellphone or even computer para ma-hack yung accounts ng ating mga kababyan," sinabi ni PNP Public Information Office Acting Chief Col. Jean Fajardo sa press briefing sa Camp Crame.

ADVERTISEMENT

Sa datos ng PNP ACG, nakapagtala ng 178 “hijack profile scam” mula Nobyembre 2023 hanggang Pebrero 2024.

Nitong Pebrero tumaas sa 89 ang naitalang kaso ng hijack profile scam. 

"One of the contributory factors dyan is alam natin na halos lahat ngayon ay online na ang transactions," sabi ni Fajardo.

Paalala ng PNP sa publiko, mag-ingat sa mga transaksyon online.  

Huwag anilang basta mag-download ng mga attachment o mag-click ng mga hindi pamilyar na link, at ipaalam agad sa service provider kung may hinala na na-hack ang kanilang profile.

"Ang recommended action po ng ACG ay siguraduhin na gumamit tayo ng strong at unique password para sa ating mga online account at i-enable din natin yung multi factor authentication para kahit may hihingin na certain information yan hindi nila kaagad maaaccess because it will require another password or authentication code para maopen at syempre huwag natin ishishare basta basta ang ating mga pin code," ani ni Fajardo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.