Bangkay ng mag-inang balikbayan, natagpuan sa bakanteng lote sa Tayabas
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bangkay ng mag-inang balikbayan, natagpuan sa bakanteng lote sa Tayabas
ABS-CBN News
Published Mar 15, 2024 01:22 PM PHT
|
Updated Mar 15, 2024 02:29 PM PHT

Natagpuan sa isang bakanteng lote ang bangkay ng mag-inang balikabayan na unang naiulat na nawawala.

Nadiskubre ang bangkay ng mag-inang balikbayan mula Japan sa isang subdivision sa Tayabas City, Quezon nitong hapon ng Huwebes.

Kinilala ang dalawa na sina Lorry Litada, 54 anyos, at ang anak niyang Japanese national na si Mai Motegi, 26 anyos.

Unang iniulat sa mga awtoridad ang pagkawala ng mag-ina nitong Marso 9. Pero ayon sa isa nilang kaanak, Pebrero 21 pa nawawala ang mga ito.

Dumating sa bansa ang dalawa nitong Pebrero 20.
Dumating sa bansa ang dalawa nitong Pebrero 20.
ADVERTISEMENT
Nitong Huwebes ng hapon, nagsagawa ng ocular inspection ang mga tauhan ng Tayabas police at doon nila napansin ang malambot pa na bahagi ng lupa ilang metro ang layo sa naturang bahay.

Nang hukayin ito ng mga awtoridad, doon na nila nakita ang naaagnas nang mga labi ng mag-ina.

Ayon kay PLt. Col. Bonna Obmerga, hepe ng Tayabas police, posibleng pinaslang at inilibing ang dalawa mula pa nang mapaulat na nawawala ang mga ito, base sa estado ng mga labi.

Wala naman ang mag-asawang may-ari ng bahay dahil ayon sa mga kapitbahay ay umalis daw ang mga ito para magpagamot sa ibang lugar nito ring unang Linggo ng Marso.

Tanging ang anak na lalaki ng mag-asawa ang naiwan sa Tayabas at paminsan-minsan ay umuuwi sa bahay.
Tanging ang anak na lalaki ng mag-asawa ang naiwan sa Tayabas at paminsan-minsan ay umuuwi sa bahay.
ADVERTISEMENT
Ayon pa kay Obmerga, patuloy ang kanilang imbestigasyon sa krimen, lalo na at napag-alaman na nawawala ang nasa P5 milyong halaga na pag-aari ng mga biktima na dala ng mga ito nang umuwi galing Japan.

Pambayad sana ang pera sa biniling house and lot ng mga biktima sa bayan ng San Narciso, Quezon.

Tinitingnan din nila kung maituturing suspek ang kapatid ng biktima at ang kanyang mister.

Sinusuri ng mga awtoridad ang mga labi ng mag-ina upang malaman kung ano ang ikinasawi ng mga ito.

-- Ulat ni Ronilo Dagos, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT