Suspek sa 'chop-chop' na bangkay, huli rin sa panghahalay ng ibang babae sa Samar
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Suspek sa 'chop-chop' na bangkay, huli rin sa panghahalay ng ibang babae sa Samar
ABS-CBN News
Published Mar 02, 2024 04:19 PM PHT

MAYNILA -- Natagpuan sa magkakahiwalay na lugar ang chop-chop na bahagi ng bangkay ng isang babaeng nawawala sa Samar.

Kinilala ang biktima na si "Alyas Joy."
Kinilala ang biktima na si "Alyas Joy."
Naaresto ang suspek na nauna nang nahuli sa tangkang panghahalay ng isa pang residente.

Ayon sa mga awtoridad, natagpuan sa iba't ibang bahagi ng barangay ang bangkay.
Ayon sa mga awtoridad, natagpuan sa iba't ibang bahagi ng barangay ang bangkay.
ADVERTISEMENT
Mayroong ilang parte na nakita malapit sa sunugan ng mga kopra, at mayroon ding sako na may laman ng bangkay umano ni Alyas Joy.

Ilang sandali bago nito, dumulog sa mga awtoridad ang babaeng nagrereklamo ng panghahalay matapos akyatin ng suspek ang kaniyang bahay.

Hindi umano nag-atubiling umamin ang suspek sa pag-akyat sa bahay ng babae. Pero napansin umano ng barangay captain na nababalisa ang suspek kaya dinala nila ito sa pulisya para kuwestiyonin.

Magsasagawa din ang mga awtoridad ng cross-matching ng samples ng mga bahagi katawan na sinunog at sa chinap-chop na mga bahagi ng katawan, gayundin sa mga kamag-anak ng nawawalang babae.
Idinadawit na din ang suspek sa pagkawala ng isang batang babae ilang taon na ang nakakaraan, gayundin sa ilang insidente ng pagkawala ng mga underwear ng kababaihan sa barangay.

-- Ulat ni Sharon Evite
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT