FACT CHECK: Hindi nagbibigay ng monthly allowance ang DepEd sa mga nasa elementarya
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Hindi nagbibigay ng monthly allowance ang DepEd sa mga nasa elementarya
ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Mar 08, 2024 05:04 PM PHT

Hindi totoong namimigay ng monthly allowance ang Department of Education (DepEd) sa mga mag-aaral sa elementarya, taliwas sa post ng Facebook page na “DSWD Updates 2024.”

Ayon sa Facebook post, ang DepEd ay namimigay ng buwanang allowance mula P1,000 hanggang P5,000 depende sa grade level ng mag-aaral sa elementarya. Inaatasan din ang mga interesadong aplikante na magparehistro sa pamamagitan ng isang link na nakalagay sa post. Ang tanging requirement umano ay ang school ID ng mag-aaral.

Ang caption ng post ay: “GOOD NEWS MAY BAON NA BA ANG ANAK MO? SINO DITO ANG MAY ANAK NA NAG AARAL SA ELEMENTARY LEVEL? SAGOT NA NAMIN ANG BAON NILA MONTHLY.” Makikita sa post ang litrato ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte at ang seal ng ahensiya.

Pinasinungalingan ng DepEd ang nasabing post sa isang pahayag na inilabas sa kanilang opisyal na social media account noong Marso 6, 2024.

“The Department of Education (DepEd) warns the public about FAKE posts claiming that they give out “pang baon” for Grade 1 to 6 learners,” ayon sa post.

Sa opisyal na website ng DepEd, inilista ng ahensya ang mga programa nitong sumusuporta sa mga mag-aaral. Wala sa mga ito ang nagbibigay ng monthly allowance sa mga mag-aaral sa elementarya.

Isa sa mga programa ng DepEd ang Education Contracting Service na nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga kwalipikadong mag-aaral sa junior high school sa mga pribadong paaralan.

Isa rin ang Senior High School (SHS) Voucher Program na nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga kwalipikadong mag-aaral ng SHS sa mga pribadong paaralan.

Ang Joint Delivery Voucher Program naman ay nagbibigay ng tulong sa tuition sa mga grade 12 na estudyante na kumukuha ng technical-vocational livelihood (TVL) track sa mga pampublikong SHS na natukoy na may hindi sapat na pasilidad, kagamitan, at guro upang ipatupad ang mga espesyalisasyon sa TVL. Ang mga kwalipikadong mag-aaral ay pinahihintulutan na kumuha ng kanilang TVL specialization subjects sa mga pribadong paaralan.

Samantala, ang link na nakalagay sa post ay magdidirekta sa user sa isang blog website na may pangalang “Libreng Ayuda Pilipinas” at hindi sa opisyal na website ng DepEd.

Sa blogsite, hinihingi ang ilang impormasyon tulad ng buong pangalan, address, kaarawan, e-mail address, at telepono.

Mahigpit na pinaalalahanan ng DepEd ang mga magulang na huwag basta-basta magbibigay ng impormasyon tungkol sa kanilang mga anak upang hindi makompromiso ang kanilang seguridad.

Dagdag pa ng DepEd, maaring ireport sa depedactioncenter@deped.gov.ph ang mga pekeng impormasyon tungkol sa ahensiya.

Hindi ito ang unang beses na nag-fact check ang ABS-CBN tungkol sa mga impostor na Facebook pages na nagpapanggap na lehitimong account ng ahensiya ng gobyerno.

Ang Facebook page na “DSWD Updates 2024” na ginawa noong Enero 27, 2024 ay mayroon nang 896 likes at 1.8k followers. Sa huling tala ng ABS-CBN Fact Check Team, ang nasabing Facebook post ay umabot sa 558 na reaksyon, 666 na komento, at 34 na share.

— with research from Jose Gabriel Saulog, ABS-CBN Investigative and Research Group Intern

Read More:
DepEd
cash allowance
elementary education
Fact Check