FACT CHECK: Peke ang post tungkol sa hiring ng Philippine Coast Guard
ADVERTISEMENT
FACT CHECK: Peke ang post tungkol sa hiring ng Philippine Coast Guard
ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Apr 12, 2024 11:42 AM PHT
|
Updated Jun 10, 2024 03:24 PM PHT

Hindi galing sa Philippine Coast Guard (PCG) ang kumakalat na post sa social media tungkol sa diumano’y hiring ng ahensiya ngayong 2024.
Ang post ng Facebook page na “PRC Board and Exam Results” ay may caption na “PHILIPPINE COAST GUARD HIRING 2024 Join PCG now Please submit your Application to PCG Head Quarters Via Online.” Ang post ay may kasamang link kung saan maaaring mag-apply.
Sa post, makikita ang iba’t-ibang hakbang na dapat sundin para makapag-apply. Kabilang na rito ang pag fill-out ng Personal Data Sheet (PDS) form, paglalagay ng litrato, pagbibigay ng certificate of eligibility, rating o license, kopya ng transcript of records, at contact details.
Ang link na nakalagay sa post ay magdidirekta sa user sa isang blogspot website na may pangalang “PRC JOB HIRING 2024” at hindi sa opisyal na website ng PCG.
ADVERTISEMENT
Sa blogspot website, hinihingi ang ilang mga impormasyon tulad ng buong pangalan, e-mail address, at numero ng telepono.

Pinasinungalingan ng PCG ang diumano’y hiring program na ito sa isang pahayag na ipinost sa kanilang opisyal na social media account.
“Muling pinag-iingat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga aplikante sa kumakalat na fake recruitment announcement mula sa Facebook page na PRC Board and Exam Results,” ayon sa PCG.
Dagdag nila, ang kumakalat na pekeng post ay maaaring magdulot ng kapahamakan dahil sa pagkuha nito ng mga personal na imposmasyon at dokumento.
Pinaalalahanan ng PCG ang publiko na kumuha lamang ng impormasyon sa kanilang opisyal na Facebook page at ang Coast Guard Human Resource Management Command page para sa updates sa recruitment.
Hindi ito ang unang beses na nag-fact check ang ABS-CBN tungkol sa mga impostor na Facebook pages na nagpapanggap na lehitimong account ng mga ahensiya ng gobyerno.

Read More:
Philippine Coast Guard
PCG
fake hiring
fake ads
misinformation
disinformation
fact check
ABS-CBN Investigative and Research Group
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT


