Branch ng Wilcon Depot sa Bulacan, nasunog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Branch ng Wilcon Depot sa Bulacan, nasunog

Branch ng Wilcon Depot sa Bulacan, nasunog

Jeffrey Hernaez,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 24, 2024 10:20 PM PHT

Clipboard

MAYNILA -- Tinupok ng apoy ang gusali ng Wilcon Depot sa Baliwag, Bulacan, Miyerkules. 

Ayon kay Baliwag, Bulacan Fire Chief FCInsp Dianne Roselle G Tamayo, 11:28 AM nang matanggap nila ang report na nasusunog ang gusali ng kilalang home improvement center. 

Umabot ito sa ika-apat na alarma ng 11:56 AM at idineklarang kontrolado ng 1:33 PM. 

Sa lakas ng apoy, bumagsak ang bubungan sa likurang bahagi ng gusali. Tumagilid din ang pader dahil umano sa sobrang init. 

ADVERTISEMENT

Ayon kay Tamayo, batay sa impormasyon mula sa mga opisyal ng Wilcon Depot Baliwag, nagsimula ang apoy sa electronics section ng gusali. 

"Sabi ng manager, may narinig sila sa may gawing electrical section, yung section ng mga ilaw, appliances, nung pagtingala nila, gumapang na sa aluminum tube ng aircon, malayo na daw po ang narating," aniya. 

Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil sa mga tinitindang produkto na gawa sa kahoy at mga pintura.

"Sa area na iyon, electrical and then paints, and then wood, mga door, mga wood supplies nila, hanggang doon po e. kaya kung makikita niyo po, ang concentration ng apoy talagang mabilis," aniya.

Agad din umanong binuksan ang lahat ng fire hydrants upang matiyak ang sapat na suplay ng tubig. 

ADVERTISEMENT

"Pinabuksan na po lahat ng fire hydrants natin, lahat po ng fire hydrant sa DRT highway, bukas po iyan," aniya. 

Ikinalungkot naman ng Wilcon Depot ang pangyayari at tiniyak na makikipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection. 

"We are sad to report that a fire hit Wilcon Depot's Baliuag Branch Wednesday morning, April 24. We fully support the investigation that authorities are conducting regarding the blaze. As of the moment, officials have informed us that there are no casualties resulting from the incident. We shall be sharing more official information from the concerned authorities as we receive them. Thank you," ayon sa pahayag ng kumpanya. 

Walang naitalang sugatan sa pangyayari. 

Inaalam pa rin ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.




ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.