Sunog sa Wilcon Depot sa Baliwag umabot ng 10 oras bago naapula | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sa Wilcon Depot sa Baliwag umabot ng 10 oras bago naapula

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

BALIWAG, Bulacan – Umabot ng halos 10 oras ang pag-apula sa sunog sa isang home improvement center sa Baliwag, Bulacan nitong Miyerkules.

Idineklara itong fire out ng 9:13 p.m. at umabot ang sunog sa ika-4 na alarma, sabi ni Fire Chief Inspector Dianne Tamayo, deputy fire marshal ng Baliwag City Fire Station. Ibig sabihin, pati ang mga fire truck sa mga kalapit na lugar ay kailangan rumesponde.

Nahirapan umano silang apulahin ang apoy dahil sa flammable na mga produkto sa Wilcon Depot tulad ng kahoy at pintura.

“Nahirapan kami sa pag-penetrate dahil nahirapan kami makapasok. Gumuho 'yung gitna niya, 'yung bubong niya. 'Yung sa kabilang side, gumuho din ang roofing niya. At the same time, 'yung mga nasusunog doon ay paint, mga wood,” ani Fire Chief Inspector Tamayo.

ADVERTISEMENT

“Kahit anong bomba mo ng tubig, hindi siya namamatay,” dagdag niya.

Sabi pa ni Fire Chief Inspector Tamayo, walang nasugatan sa insidente at nakalabas lahat ng higit 120 na empleyado na nagtatrabaho doon.

Base umano sa inisyal na imbestigasyon, aabot sa P288,850,000 ang halaga ng ari-ariang napinsala dahil sa sunog. 

Iniimbestigahan pa ng Baliwag Fire Station ang sanhi ng sunog. Nauna nang sinabi ng Wilcon Depot na makikipagtulungan sila sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection. 


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.