Crime rate sa unang 4 na buwan ng 2024, bumaba

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Crime rate sa unang 4 na buwan ng 2024, bumaba

Raya Capulong,

ABS-CBN News

Clipboard

Bumaba ang crime rate sa bansa sa unang apat na buwang ng taon, ayon sa Philippine National Police.

Sa datos ng PNP, simula noong Enero hanggang Abril 24 nakapagtala ng 19.89 percent na pagbaba.

Karamihan sa mga tinatawag na 8 focus crimes kabilang na dito ang theft, rape, physical injury, robbery, at carnapping ay bumaba ang naitalang kaso, habang bahagyang tumaas naman ang naitalang kaso ng murder at homicide.

"Mula January 1 to April 24 at ikukumpara natin yan mula January 1 to April 24 noong nakaraang taon ay nakapagtala tayo ng 19.89 percent na pagbaba or 2,587 na pagbaba ng krimen. Bagamat may naitala tayo na slight increase sa murder and homicide, pero kung titingnan yung nature of incidents diyan ay 'yan ay karamihan diyan ay mga personal grudges ang naging motibo at yung mga homicide ay pag-aaway ng mga magkakakilala at karamihan naman diyan ay nacleared na," sabi ni PNP-PIO acting chief at spokesperson Col. Jean Fajardo.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Fajardo, naging epektibo ang pagpapatupad nila ng enhance managing police operations.

Malaking tulong din aniya ang pakikipag-ugnayan nila sa mga LGU at mga barangay officials.

"Maa-attribute natin yan doon sa epektibo nating pag-implement nung tinatawag natin na EMPO kung saan ina-adjust natin yung deployment ng ating mga tauhan. Kagaya ito nung sinabi ng ating Chief PNP nung pag upo niya na ayaw niya yung bara-bara lang na deployment," paliwanag ni Fajardo.

"Ang gusto niya ay identify talaga nung ating mga field commanders asan yung mga hit maps, saan matataas na insidente, anong oras, lugar para doon iconcentrate yung ating mga deployment. Kung yung area ay mas maraming insidente sa gabi ay dapat iadjust yung kanilang deployment doon sa particular na areas na yun. So katuwang natin yung ating mga force multipliers lalong lalo na yung mga barangay tanods na kasama nung mga pulis natin nagbabantay sa gabi.

Sinabi rin ni Fajardo na bumaba rin ang naitalang kaso ng cybercrime.

ADVERTISEMENT

Lumabas sa kanilang datos sa cybercrime,  pinakamaraming nabibiktima ng online scamming, investment scam at debit and credit card fraud.

Nananawagan naman ang PNP sa publiko na maging maingat ata pamanuri sa kanilang transakayon sa online.

"Kung mapapansin nagsimula ito noong pandemic na talagang bawal meron restriction pagdating sa travel and movement kaya 'yung mga kababayan natin nasanay na halos lahat ng ating transctions are being done via online. So ito pa rin yung tinitingnan natin yung ating dependency sa mga online transactions," sabi ni Fajardo.

"So patuloy tayo nagpapaalala sa ating mga kababayan na mag ingat tayo sa mga transactions natin online and I think no less than the DICT ay nagbigay na rin ng paalala doon sa mga kababayan natin na kapag namamasyal at nag-aavail nung mga free wifi na mag-ingat tayo sa paggamit ng mga free wifi dahil may mga studies na nilalabas ang mga cyber security experts na hindi lahat ng free wifi ay safe and secure. So mag ingat tayo diyan."

Aniya, may tsansang manakaw ang mga importanteng personal data sa mga unsecured free wifi kung saan maaring kuhanin yung mga laman ng bank accounts ng mga biktima.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.