Sapul sa CCTV: Lalaki binaril sa loob ng computer shop sa QC

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sapul sa CCTV: Lalaki binaril sa loob ng computer shop sa QC

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang computer shop sa Bgy. Holy Spirit sa Quezon City, Huwebes ng gabi.

Hagip sa CCTV ang pagpasok ng naka-helmet na salarin sa counter ng computer shop.

Yumuko siya at sinilip ang biktima sa may counter, saka pinagbabaril ang biktima.

Agad tumakas ang salarin.

ADVERTISEMENT

Kinilala ang biktima na si Andy Delopierre, 36-anyos.

Sabi ng kapatid niya na si Kent Delopierre, nag-aayos sa computer shop ang biktima nang pagbabarilin siya.

Wala umanong kustomer sa loob dahil inaayos ang bahagi ng computer shop para mapalawak ito.

"Nakita ko na lang, nakahandusay yung kapatid kong lalaki. Binaril,” sabi ni Delopierre.

Wala umano silang alam na nakaalitan ng biktima. Hindi rin nila kilala ang salarin base sa kuha ng CCTV. 

ADVERTISEMENT

Ang pagkakabit ng internet at pangangasiwa sa computer shop ang pinagkakaabalahan umano ng biktima.

“Tahimik lang 'yun, lagi namin kasama 'yun, wala namang nababanggit. Simple lang (siya). Palakaibigan. Wala namang nakakaaway 'yun. Mabait 'yun,” dagdag niya.

Nakarinig umano ng dalawang putok si Jing Esquivel, isa sa mga residente sa tapat ng computer shop.

“Narinig ko na ang dalawang magkasunod na putok, lumabas ako naghahanap na sila ng mahihingan ng tulong. Ambulance,” ani Esquivel.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

ADVERTISEMENT

“Nagfa-follow up na kami ngayon. Naghahanap kami ng witnesses, tine-trace namin yung possible suspect nang maaresto at masampahan ng demanda,” ani PCapt. Anthony Dacquel, ang chief ng Station Investigation and Detection Management Unit ng QCPD Holy Spirit Police Station 14.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.