Lalaki nagpanggap na pulis para makalibre ng pamasahe | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki nagpanggap na pulis para makalibre ng pamasahe
Arestado ang isang lalaki matapos magpanggap na isang pulis para makalibre ng pamasahe sa sinakyang bus sa Parañaque City nitong Lunes ng umaga.

Ayon kay PMaj. Hazel Asilo, tagapagsalita ng Southern Police District (SPD), napansin ng kasamahan nilang pulis ang hindi magkatugma na uniporme na suot ng lalaki.

“Pagkasakay niya, napansin na niya agad itong isang lalaki na nakasuot ng athletic uniform na pang itaas. Pero napansin niya na mali ‘yung pang ibaba niya na pants kasi supposed to be dapat blue ‘yun, black ang suot niya at naka-tsinelas din siya,” ayon kay PMaj. Asilo.

Naghinala pa lalo ang pulis nang hindi nagbayad ng pamasahe sa bus ang lalaki.
Naghinala pa lalo ang pulis nang hindi nagbayad ng pamasahe sa bus ang lalaki.
ADVERTISEMENT
“Parang nagsabi lang siya na pulis para makalibre sa pamasahe. Nilapitan niya ‘yung tao, tinanong niya 'Pare, pulis ka ba? Saan ka naka-assign?'” sabi ni PMaj. Asilo.

“Hiningan niya ng ID at agad namang umamin ‘yung ating suspek na hindi siya pulis at hindi kanya ‘yung suot niya, kundi hiniram lamang niya,” dagdag nj PMaj. Asilo.

Humingi ng responde ang pulis sa pinakamalapit na istasyon kung saan agad naaresto ang suspek.

“Syempre mali ‘yun dahil ang mga pulis naman natin ngayon ay hindi na nagpapalibre. Nagbabayad tayo kung anuman ‘yung service na binibigay satin,” ayon kay PMaj. Asilo.

Sinusubukan pang kunan ng pahayag ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng Parañaque City Police Station.
Sinusubukan pang kunan ng pahayag ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng Parañaque City Police Station.
ADVERTISEMENT
Mahaharap siya sa mga reklamong Usurpation of Authority of Official Function at Illegal Use of Uniforms and Insignias.

Nagpaalala naman si PMaj. Asilo sa tamang disposal ng mga pinaglumaang uniporme ng pulis.

“Either sinisira or ginugunting or binabaon. Kung hindi po kayo member ng PNP o kahit anong uniformed service, hindi po kayo pwedeng magsuot ng ating uniporme kasi meron pong kaukulang batas na iyong malalabag kung magsusuot po kayo nun."