2 arestado dahil sa 'sextortion' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 arestado dahil sa 'sextortion'
2 arestado dahil sa 'sextortion'
Pinasok ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group ang isang motel sa Rosales, Pangasinan at inaresto ang isang lalaki dahil sa pagpapakalat ng mga pribadong larawan ng dating kasintahan.

Nag-ugat ang operasyon matapos magsumbong sa pulisya ng biktima sa pangba-blackmail ng suspek sa kanya.

"Isa din sa gusto niya ay makipagbalikan sa babae kaya 'yun ang isang way nya para makipagbalikan yung ex-girlfriend nya sa blackmailing at sa pagpopost... ayaw na po ng girlfriend ayaw na po makipagbalikan sa kanya kaya yun din ang nag-udyok sa suspek para iblackmail sya at ikalat yung mga video at photos nila na meron silang sexual activities nung sila pa," kuwento ni PLt. Wallen Mae Arancillo, spokesperson ng PNP ACG.

"Sa tulong na rin ng kooperasyon ng victim nagconduct tayo ng entrapment operation at doon nga po sa isang motel nag-agree yung victim at suspek na mag-meet para sa deletion ng mga photos at videos na ikinalat nito and doon na nga nung nakapasok na sila sa motel ay nagbigay na ng signal itong victim sa mga operating unit natin."

Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Grave Coercion, Anti-photo and Video Voyeurism Act na may kauganayan sa Cybercrime Prevention Act.

Sa isa pang entrapment operation, tinangka pang tumakas at nagpupumiglas pa ang isang lalaki nang maaresto ng mga tauhan ng PNP ACG sa Pasig City, dahil din sa pagpapakalat ng kanilang mga pribadong larawan at video sa social media ng kanyang dating girlfriend.

"Nakipagbreak din yung babae sa lalaki and ang nangyari po ay nag-umpisa na yung pagba-blackmail, yung pagbabanta sa babae na ikakalat yung video and photos nila and yun na nga nakalat na nga po at ito rin yung isang demand nya makipag sexual intercourse sa kanya para idelete yung mga private photos and videos na meron yung suspek nung sila pa," ayon kay Arancillo.

Nakakulong na ang suspek na nahaharap sa patong-patong na reklamo, kabilang na ang paglabg sa grave coercion na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act, pati na paglabag sa Safe Space Act, Anti-Photo and Video Voyeurism Act at VAWC.

Sa datos ng PNP ACG, mula Enero hanggang Mayo kumpara noong nakaraang taon sa kaparehong panahon, tumaas ang bilang ng mga naitalang kaso na lumabag sa Republic Act 9995 o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 o ang pagpapakalat ng mga pribadong larawan at video na walang pahintulot.

Nito lang Enero hanggang Mayo 9, pumalo sa 153 ang natalang kaso. Mas mataas ng 39 cases kumpara sa naitala noong nakaraang taon na 114 cases.

"Marami na tayong kababayan na nahuhumaling sa celphone, sa online, halos lahat po tayo meron ng social media accounts and isa din po yung pagseselfie, yung pagkukuha ng mga memories and kasalasan po ito ay nauuwi sa sextortion o pagbabanta o pagba-black mail lalong lalo na kapag ang dalawang magkarelasyon ay nagkakaproblema na," ayon kay Arancillo.

"Panatilihin po nating pribado yung mga photos and videos natin... kung meron man tayong ginagawang sexual activities maaaring huwag na po nating kunan ng video o huwag na po tayong magtake ng selfie or photos para maiwasan 'yung ganitong pangyayari."

Sa mga nais mag report, maaaring tumawag sa mga hotline number ng PNP Anti-Cybercrime Group o di kaya naman ay makipag-ugnayan sa kanilang mga social media account.

Hotlines:
Hotlines:
ADVERTISEMENT
(02) 8723-0401 (loc 7491)
(02) 8723-0401 (loc 7491)
09688674302
09688674302
09671360322
09671360322
09929893889
09929893889
Fb page: @anticybercrimegroup
Fb page: @anticybercrimegroup
ADVERTISEMENT
Instagram: Anti_cybercrime_group
Instagram: Anti_cybercrime_group
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT