Bugaw umano ng mga menor de edad, arestado
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bugaw umano ng mga menor de edad, arestado
Published May 17, 2024 04:10 PM PHT
|
Updated May 17, 2024 05:09 PM PHT

Arestado ang isang lalaki na nambubugaw umano ng mga menor de edad para makipagtalik.
Ayon sa National Bureau of Investigation-Human Trafficking Division, una silang nakatanggap ng impormasyon na nagbebenta umano ng sex videos ang lalaki at mga batang lalaki rin ang biktima.
“‘Yung mga videos ay kinukuha niya habang nakikipagtalik sa menor de edad. Itong mga menor de edad naman ay nakikilala niya sa online games group chat so doon siya nagre-recruit ng mga bata,” sabi ni Atty. Bethyl Porras, Deputy Spokesperson ng NBI.
Pero hindi alam ng mga biktima na kinukuhanan sila ng video at binibenta ito ng lalaki sa halagang $100 sa kanyang dayuhan at Filipino customers.
Nagsagawa ng entrapment operation ang NBI nitong Huwebes at nahuli ang suspek.
Nasagip naman ang tatlong menor de edad na dinaanan niya sa Laguna para ialok sa kanyang mga kliyente.
“Nakipagkita po ang ating undercover agents sa ating subject so unang-una po ay bumili ng sexual materials ‘yung ating operatiba. Pagkatapos nito ay nag-offer ang ating subject kung gusto ba ng kinakausap niya na makipagtalik sa mga menor de edad,” sabi ni Porras.
Aminado ang suspek at sinabing higit 4 taon na niya itong ginagawa dahil sa pera.
“Humihingi po ako ng sorry sa nagawa ko. Alam ko naman pong mali kaya humihingi ako ng sorry doon sa mga bata. Nagsisisi po ako sa ginawa ko,” sabi ng suspek.
Mahaharap siya sa mga reklamong paglabag sa Anti-Human Trafficking Law, Anti-Sexual Abuse of Children, at Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children.
Sasailalim naman sa trauma intervention ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tatlong na-rescue na menor de edad.
Samantala, sa hiwalay na operasyon sa Nueva Ecija, inaresto ng NBI ang isang lalaki na nag-upload ng malalaswang larawan ng mga menor de edad at binebenta sa kanyang mga customer sa social media.
Samantala, sa hiwalay na operasyon sa Nueva Ecija, inaresto ng NBI ang isang lalaki na nag-upload ng malalaswang larawan ng mga menor de edad at binebenta sa kanyang mga customer sa social media.
Dati nang may social media account ang suspek pero dahil sa kalaswaan ay na-block na ang kanyang unang account. Pero nakagawa ang suspek ng bagong account at doon siya nakakuha ng mga bagong customers.

Nadiskubre ito ng mga agent ng NBI, kaya sa bisa ng search warrant ay inaresto ang suspek sa kanyang bahay. Narekober sa kanya ang cellphone na may lamang malalaswang larawan ng mga bata.
Nadiskubre ito ng mga agent ng NBI, kaya sa bisa ng search warrant ay inaresto ang suspek sa kanyang bahay. Narekober sa kanya ang cellphone na may lamang malalaswang larawan ng mga bata.
“Napatunayan na si alyas Ben pinagkakakakitaan niya ito. Ito ay bawal sa ating batas lalo na ang biktima ay menor de edad,” aabi ni NBI-Metro Manila Assistant Regional Director na si Atty Joel Tovera.

Nadiskubre ng NBI na binabayaran ng suspek ang mga bata ng P500 hanggang P1,000 kapalit ng nude photos.
Nadiskubre ng NBI na binabayaran ng suspek ang mga bata ng P500 hanggang P1,000 kapalit ng nude photos.
“Pinapangakuan niya ng mga bata ng pera para kumita, pag pumayag, bibigyan nya ng pera. He has been doing this criminal activity for 2 years,” dagdag ni Tovera.
“Pinapangakuan niya ng mga bata ng pera para kumita, pag pumayag, bibigyan nya ng pera. He has been doing this criminal activity for 2 years,” dagdag ni Tovera.
Inamin umano ng suspek ang alegasyon laban sa kanya. Kinasuhan na siya ng NBI.
Inamin umano ng suspek ang alegasyon laban sa kanya. Kinasuhan na siya ng NBI.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT