Grupo ng TNVS kinondena ang holdap, carjacking sa mga driver

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

Grupo ng TNVS kinondena ang holdap, carjacking sa mga driver

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

Clipboard

QUEZON CITY — Naka-packaging tape pa ang mga kamay nang matagpuan ng rescue team sa Sitio Inuman Gitna, Baranay Inarawan ang 43 anyos na ride hailing app driver na si Alyas Joshua umaga ng Martes, Abril 30. 

Hindi makatayo at makakilos ang biktima matapos siyang itulak at mahulog sa bangin sa lugar ng tatlong lalaki na tumangay din ng kanyang sasakyan na Toyota Innova.

Sa imbestigasyon ng Antipolo City Police, biktima ng holdup at carnapping si alyas Joshua. 

Nag-book umano ang suspek biktima pasado ala-1 ng madaling araw at pinickup ang mga pasahero sa Pasay at nagpahatid sa Sta. Ana. 

ADVERTISEMENT

Nagpaikot-ikot umano sila sa lugar at saka nagdeklara ng holdup. Masuwerteng nakaligtas si Joshua matapos na hindi pumutok ang baril ng mga suspek.

Nito namang Mayo 12, sa kaparehong modus, nabiktima rin ang ride hailing app driver si alyas Jerry. 

Nakaligtas din siya matapos na ginilitan sa leeg at saksakin ng isa sa dalawang suspek na pasahero niya sa Barangay Biga, Tanza, Cavite, Mayo 13. 

Tinangay din ng mga suspek ang sasakyan ng biktima.

Ayon sa Tanza PNP, posibleng iisa ang mga suspek sa dalawang insidente kaya’t patuloy ang kanilang koordinasyon sa Antipolo PNP.

ADVERTISEMENT

Sa Joyride app nakuha ng mga biktima ang booking kaya makikipag-ugnayan umano sila sa Department of Information and Communications Technolgy at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para alamin pa ang mga puwedeng gawin ng mga app operators kagaya nila para di na maulit ang sinapit nila Joshua at Jerry. 

Patuloy din ang kanilang pakikipagtulungan sa Philippine National Police sa paglutas ng kaso ng mga biktima.

“This is really very unfortunate na nangyari itong ganitong insidente, but I also wanted to point out na very isolated itong mga incidents na ito. Essentially itong mga insidente na ito sa aming Joyride car ang ika nga gusto namin talaga iwasan bagamat lahat, karamihan sa amin mga bookings have been very secure and very very successful,” sabi ni Noli Eala, Senior Vice President ng Joyride.

Dagdag ni Eala, nakahanda ang kumpanya na tumulong sa mga biktima.

“Yung sa assistance, kami sa Joyride whatever is necessary na magagawa namin ay ibibigay namin sa aming mga driver partners, in fact in this particular case kami ay nagbigay na ng financial assistance, we are also cooperating with the legitimate authorities as long as wala naman tayong nalalabag na provisions ng data privacy law at ito ay naaayon sa batas kami ay nakikipagtulungan para siguraduhing mabigyan ng agarang paglutas at of course resolution itong kasi na ito,” sabi niya.

ADVERTISEMENT

“Pero kami sa ganitong pagkakataon na may pangangailangan ang aming mga driver partners, we extend financial assistance as much as we can and in this particular case, nagawa na namin yun and we will continue to provide help for as long as ika nga eh, magagawa namin sa amin kakayanan ang of course, kakailanganin ng aming partners… Dahil hindi naman kami required by law or by our regulator sa aming Joyride car. Pero kagaya sa kasong ito nagbigay na kami kung kakailanganin pa eh handa naman kaming tumulong sa aming partner,” dagdag niya.

Pagdating sa seguridad, tiwala naman ang Joyride sa sistema ng gobyerno at pinayuhan ang kanilang mga driver partners na dagdagan din ang seguridad sa kanilang mga sasakyan.

“We can only rely on the reliability as well as on the system ng sim card registration so as far as kami ang concern sa TNVS and joyride car, we assume that whoever is able to register in our app uses a valid sim card na nagregister, and therefore kung meron man mangyayaring hindi maganda ay yan ay mas mate-trace sa DICT o sa kinauukulan,” sabi niya.

“We do not want to overreact by completely changing the system, we still believe that a great part of the system works, yung aming app is very very secure, aming app is very very reliable ang aming Joyride car drivers ay mahuhusay at again we have suggested other industry practice na puwede nilang gawin ang paglalagay ng CCTv sa loob ng kanilang sasakyan, pagiinstall ng GPS o di kaya ng dashcam para lahat ng security features ay mailagay natin maayos natin,” dagdag niya.

Kinondena ng grupong Laban TNVS (Transport Network Vehicle Service) ang hindi umano makataong sinapit nila Joshua at Jerry. 

ADVERTISEMENT

Panawagan nila ang proteksyon sa mga driver ng Transport Network Companies (TNC).  

“Kino condemn natin yung mga ganitong krimen lalo na yung mga drivers natin naghihirap yan at pinagpapaguran ang kinikita niyan para sa pamilya nila. Nakakalungkot po may mga tao na gustong manlamang at gusto pang mapunta pa sa pagkitil ng buhay,” sabi ni Jun De Leon, presidente ng Laban TNVS.

“Hindi ito isolated case walang usapin dito kung isolated case man o hindi, dapat dito ay bigyan talaga ng proteksyon yung mga drivers… sa ating gobyerno at siyempre dun sa mga platform companies nga transport network companies na pinagmamanehohan nila,” dagdag niya.

Hindi rin umano malinaw ang tulong na dapat ibigay nga mga transport network companies sa mga driver ang ilang namatay sa gitna ng biyahe.

“Kaya nararapat lang po sa ating gobyerno, nananawagan po kami sa kongreso at senado na bigyan proteksyon ang mga drivers ng mga platform workers, hindi lang po ito sa TNVS drivers ganun din po sa mga motorcycle taxi at sa mga couriers natin… Dapat malinawag lang dito ano ba dapat ang matatanggap ng isang driver kapag nakipag partner ako sa isang transport network companies o kung sinasabi palagi nila na wala tayong dapat pagusapan kasi di naman kita empleyado partner tayo, contractor namin kayo, dapat ito malinawagan,” sabi ni De Leon.

ADVERTISEMENT

Panawagan din ng grupo ang mas mahigpit na pagsala sa mga pasahero nito para na rin sa seguridad ng mga driver.  

“Lalo na di masyado iniiscreen ng transport network companies ang mga riders natin. Mga pasahero natin so sana kahit papaano higpitan namam nila yung pagtanggap mg mga pasahero nila. Pictures man lang o ID sinasabi privacy baka mailantad. Kami ho mas gusto namin makita ang aming pasahero kaysa ganito ang mangyari. Unahin po natin ang safety ng mga nagtratrabaho yung safety ng mga drivers,” sabi ni De Leon.

Ayon pa sa Laban TNVS, nakikipag-ugnayan na sila sa pamahalaan para isulong ang batas para proteksyunan ang mga ride hailing app drivers kung saan kasama ang kanilang proteksyon sa kabuhan, kalusugan at pagregulate nito.

“Tayo ngayon at nakikipag ugnayan Gabriela Women’s Partylist para magawa yung magna carta for platform workers at kay Sen Bong Go sa senado naman bersyon ng senado yan ang ginagawa natin para kahit papaano mabigyang proteksyon magkaroon ng batas proteksyon itong mga kasamahan natin na delivery riders, motorcycle taxi riders at TNVS drivers.”

Bukas naman ang Joyride sa anumang pagbabago sa kanilang negosyo.

ADVERTISEMENT

“Well alam mo lagi naman kaming sumusunod ang Joyride laging sumusunod sa mga patakaran ng pamahalaan… sa joyride car since this is LTFB project, kung ano man ang gawin nilang pagbabago, kung sila man ay gagawa ng ganitong patakaran eh ang Joyride car naman ay handang sumunod lagi, so yung mga pagbabago yan ay aming susundin kung meron man mangyaring ganyan,” ani Eala.

Naisampa na ang mga reklamo laban sa mga suspek na nambiktima kina Joshua at Jerry.

Patuloy naman tinutugis ang mga ito. Pero hanggang sa ngayon hindi pa rin natatagpuan ang kanilang mga sasakyan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.