Babae, 2 pamangkin natagpuang patay sa Las Piñas; suspek na kinakasama, huli | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae, 2 pamangkin natagpuang patay sa Las Piñas; suspek na kinakasama, huli

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 19, 2024 06:40 PM PHT

Clipboard

Bahay sa Barangay Pulang Lupa Dos, Las Piñas City kung saan natagpuan noong Mayo 18, 2024 ang bangkay ng tatlong magkakamag-anak. Retrato mula sa Las Piñas policeMAYNILA — Arestado ang isang suspek na dawit sa pagkamatay ng kinakasama niyang babae at dalawang pamangkin nito sa Las Piñas City, sabi ngayong Linggo ng mga awtoridad.

Kinilala ang mga biktima bilang sina Mary Jean Avellana, 27, at ang mga pamangkin niyang 18 anyos na babae at 11 anyos na lalaki.

Natagpuan umano silang patay sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Pulang Lupa Dos sa Las Piñas City nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa isang kaanak ng mga biktima, Miyerkoles nang huli nilang makita ang tatlo na buhay.

"Ang paalam ay pupunta ng Divisoria kasi ga-graduate ang kapatid ko itong katapusan. Lahat ho kami paranoid na e kasi mag-three days nang nawawala," sabi niya.

ADVERTISEMENT

Nakatanggap umano ang mga kaanak ng impormasyon noong Sabado na may masangsang na amoy sa loob ng bahay. Agad nilang ini-report ito sa pulisya at nadatnan ang mga bangkay ng tatlo.

"Hindi ko ho matanggap kasi hindi lang siya mag-isa, tatlo ho sila," anang kamag-anak ng mga biktima.

Nakuhanan ng CCTV ang pagpasok at pag-alis ng suspek ng live-in-partner ni Avellana noong Huwebes. Dinig sa video ang sigawan at komosyon na nangyayari noon sa loob ng bahay.

"Sa report ng ating SOCO, natagpuan doon ‘yung alleged weapon, isang hard wood parang dos-por-dos. Allegedly, ito ‘yung ginamit na pagpatay sa mga biktima," sabi ni Police Col. Sandro Tafalla, hepe ng Las Piñas police.

Natunton ang suspek sa tulong ng kapatid nito.

ADVERTISEMENT

Aminado ang suspek sa nagawang krimen pero sinabing dinipensahan niya lang ang kanyang sarili.

"Nagtatalo na po kaming mag-asawa, biglang sumipa ng pintuan, napasubsob ako doon sa aking partner. Sinalubong ako ng mga suntok nung pamangkin niya. Nagdilim po ‘yung paningin ko. May nakuha po akong kahoy, naihampas ko po," anang suspek.

Nahaharap sa reklamong three counts of murder of suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.