Lalaki arestado sa kasong rape ng 13-anyos sa Tondo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki arestado sa kasong rape ng 13-anyos sa Tondo
Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Arestado nitong Martes ang isang 59-anyos na lalaki sa umano’y panggagahasa sa isang menor de edad na babae noong June 2021.

Sa bisa ng warrant of arrest, hinuli ng mga tauhan ng Manila Police District Women and Children Concern Section (WCCS) ang suspek na Top 2 Most Wanted sa Maynila sa kanyang bahay sa Tondo, pasado alas-4 y medya ng hapon.

Tatlong buwan pinaghahanap ng pulisya ang suspek bago nahuli sa Tondo.

Ayon kay PCapt. Veronica Apresurado, hepe ng MPD WCCS, nakipag-ugnayan sila sa Bureau of Fire Protection para makapasok sila at makumpirmang nasa bahay ang suspek.

Aniya, magkasama ang kanilang operatiba at taga-BFP at dumiskarte sila na magsasagawa ng inspeksyon sa linya ng kuryente ng suspek.

“Nakipagtulungan sa atin ang biktima. Nagbigay siya ng information kung nasaan ang kanyang lolo lolohan. Nagkaroon kami ng series of validation, surveillance at saka tradecraft para makumpirma namin kung nasaan talaga itong kanyang lolo, lolo lolohan,” sabi ni PCapt. Apresurado.

“Nagtatago itong ating suspek doon mismo sa loob ng kanilang ancestral house,” aniya.

Base sa ulat ng pulisya, nangyari ang umano’y panggagahasa sa bahay ng biktima sa Tondo noong June 8, 2021.

“Ang ating suspek po ay kanyang lolo lolohan. Yun po yung umabuso sa ating biktima. Yung kanyang lola lolahan na nagpalaki dito sa kanyang nanay ay karelasyon itong kanyang lolo lolohan,” sabi ni PCapt. Apresurado.

“Nangyari yung krimen ng nakatira sila sa iisang bubong. At itong ating suspek ay ginawa niya ng kalaswaan itong bata na noon ay 13 years old palang. Noong isang araw, noong time daw ng maliligo yung bata, napansin ng kanyang ina na medyo may kakaiba sa kanyang anak. Kaya pinaamin niya ang kanyang anak. At yun nga nagsabi siya na may ginawang kalaswaan ang kanyang lolo lolohan sa kanya,” dagdag niya.

Tumangging magbigay ng pahayag at humarap sa media ang suspek.

Mananatili sa kustodiya ng Manila Police ang suspek habang naghihintay ng commitment order mula sa korte.

Nahaharap siya sa kasong rape by sexual assault sa ilalim ng Article 266-A Paragraph 2 ng Revised Penal Code, kaugnay ng Section 5 (b) ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Walang piyansa na inirekomenda ang korte sa kinakaharap na kaso ng suspek.