Lalaking nagnakaw umano ng mga cellphone sa QC, Taguig timbog

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking nagnakaw umano ng mga cellphone sa QC, Taguig timbog

Paige Javier,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 27, 2024 06:36 AM PHT

Clipboard

MAYNILA — Arestado nitong Sabado ang isang lalaki na umano'y sangkot sa pagnanakaw ng mga cellphone sa Quezon City at Taguig.

Ayon sa pulisya, hinuli ng mga security guard ang 25-anyos na suspek sa isang parking lot sa Bonifacio Global City sa Taguig bandang alas-5 ng madaling araw.

Makikita sa CCTV ang suspek na nakaupo sa tabi ng lalaki na nakahiga.

Nang walang nakapansin sa kanya, kinuha niya ang cellphone mula sa lalaking nakahiga saka pa-simpleng umalis.

ADVERTISEMENT

“Inattempt po ng ating suspek na habang tulog po o habang natutulog yung biktima dahil sa kalasingan, kinuha niya po sa dibdib yung cellphone at bigla pong umalis,” ani Police Maj. Judge Donato, Fort Bonifacio sub-station commander.

Nakuhanan din ng CCTV na habang naglalakad paalis ang suspek, sinundan siya at hinuli ng security guard sa lugar na si Jan Michael Magtibay.

Ayon kay Magtibay, binantayan niya ang suspek nang mapansing nagmamatyag umano sa mga tao sa lugar.  

“Pinatawag ko na po sa operator ng CCTV na i-monitor ang taong ito kasi nga po paikot-ikot. Then yun nga po dumikit na siya sa lasing na nakahiga at kinuha yung cellphone,” kwento ni Magtibay.

Aniya, lumapit siya sa suspek para arestuhin at kuhanin ang tinangay na cellphone.

ADVERTISEMENT

Makikita rin sa CCTV na sumama pa noong una ang suspek pero bigla siyang nagpumiglas at nagtangkang tumakas.

Sa tulong ng iba pang security guard at bouncer sa lugar, tuluyang nahuli ang suspek at dinala sa Fort Bonifacio Sub-Station.

Narekober sa suspek ang tinangay na cellphone sa BGC at may isa pang cellphone na nakuha mula sa suspek na tinangay din umano niya mula sa Katipunan, Quezon City ilang oras bago pumunta ng BGC.

“Napag-alaman po natin ng tiningnan po natin yung cellphone, isang iPhone 12 na naka-lost. Inamin din po ng ating suspek na kinuha din niya po ito. Bandang alas-2 pala ng umaga galing silang Katipunan,” ani Donato.

Agad tinawagan ng pulisya ang may-ari ng cellphone na ninakaw sa Katipunan.

ADVERTISEMENT

Ayon sa may-ari ng cellphone na si Michael Angelo Iballa, ninakaw ang kanyang cellphone habang nasa isang bar sa Katipunan nitong madaling araw ng Sabado.

“Nagsasaya kami ng friends ko around 2 a.m., tapos, suddenly di ko mahanap phone ko. Ayun, nadukot na pala. Kinontak ko yung bar kung pwede makita yung CCTV tapos nakita na same guy kung sino pong nahuli nila,” ani Iballa.

Kwento ni Iballa, natatawagan at nata-track pa ang kanyang cellphone makalipas ang isang oras pero kalaunan ay hindi na.

Nagpasalamat siya na naibalik ang kanyang cellphone, na apat na buwan pa lang nasa kanya.

Desidido si Iballa na sampahan ng reklamo ang suspek para wala na siyang ibang mabibiktima.

ADVERTISEMENT

Napag-alaman din ng pulisya na nahuli na ang suspek noong December 2023 sa parehong modus.

“Yung modus ng ating mga suspek is yung tinatarget nila yung mga lasing o mga nanggagaling sa mga bar. Ang insidente na ito is yung pagkuha nila ng taong lasing, isasakay sa taxi at doon na nila pagnanakawan,” ani Donato.

Ayon sa pulisya, pinaghahanap nila ang taxi driver na posibleng kasabwat ng suspek sa modus.

“Ngayon po ay pinagdududahan po natin na meron po siyang kasabwat na taxi [driver] at ito’y bagong modus na binabantayan natin sa BGC," dagdag ni Donato.

Mahaharap ang suspek sa reklamong alleged theft at nakatakdang sumailalim sa inquest proceedings sa Lunes.

ADVERTISEMENT

Binigyan ng Fort Bonifacio Sub-Station ng Certificate of Commendation ang security guard na si Magtibay dahil agarang pagresponde kaya nahuli suspek.

FROM THE ARCHIVES



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.