MMDA nagbabala vs text scam ukol sa 'no contact apprehension' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MMDA nagbabala vs text scam ukol sa 'no contact apprehension'

MMDA nagbabala vs text scam ukol sa 'no contact apprehension'

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Nagbabala ang MMDA laban sa kumakalat ng text message ukol sa "No Contact Apprehension Policy" o NCAP na may kasamang link para sa pagbabayad ng multa.

Ayon sa MMDA, hindi sa kanila galing ang naturang SMS. 

Mula sa Facebook page ng MMDA.

"Ang mensahe at link ay naglalaman ng mga peke at malisyosong instruksiyon hinggil sa nakuhanan ng NCAP na paglabag at kung paano babayaran ang multa," ayon sa ahensya. 

Giit ng MMDA, nananatiling suspendido ang operasyon ng NCAP mula pa noong 2022 dahil sa hatol ng Korte Suprema.

"Dahil dito, walang tinatanggap na bayad o multa mula sa nakukunan sa paglabag sa batas trapiko," ayon sa MMDA.

"Huwag basta maniwala sa mga natatanggap na mensahe o post sa social media. Mabuting alamin muna ang pinanggalingan ng impormasyon o iberipika mula sa mga lehitimong sources," dagdag nito.

ADVERTISEMENT

Kung may natatanggap na kahina-hinalang mensahe o post sa social media, maaaring tumawag sa MMDA Hotline 136 o magpadala ng mensahe sa MMDA official accounts.  

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.