Ban sa direct hires ng mga Pinoy problema ng mga OFW sa Cambodia | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ban sa direct hires ng mga Pinoy problema ng mga OFW sa Cambodia
Rhea Soco-Neis,
TFC News,
Cambodia
Published Jun 14, 2024 07:51 AM PHT

CAMBODIA - Idinadaing ng ilang OFW sa Cambodia ang proseso ng polisiya sa direct hiring ng mga Pilipino. Tiniyak naman ng gobyerno na pinangangalagaan nito ang interes at kapakanan ng mga OFW.

April 2018 pa nang inilabas ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA ang ban sa direktang pag-hire ng mga employers abroad sa mga Pinoy na nasa Pilipinas.

At sa paghupa ng COVID-19, nagsimula nang bumiyahe ulit ang ating mga kababayan. Ang mga pumasok sa bansang Cambodia na naka-tourist visa at nakahanap ng trabaho, hindi na makababalik ng hindi dadaan sa isang employment agency sa Pilipinas.

Para naman sa mga gustong magpa-authenticate ng employment contract na hired bago mag- 2018, kinakailangan ang personal appearance ng kanilang mga employer o authorized representative sa embahada ng Pilipinas.

“It is a foreign company, wherein yung CEO po namin is nasa America. Siya po yung nag-sign sa contract ko, na once a year po ang biyahe niya papunta dito. So ang challenge po sa akin is paano ko po ipa-acknowledge yung contract ko kung gusto kong umuwi sa June? Wala naman si boss. Ako naman yung next na signatory,” kwento ni

Los Angeles International School Director Emee Malute.

“Isa pong pinakamahirap na nami-meet ko is yung busy po yung akong boss which is also naiintidihan namin and ang sabi po nga nila is hindi yun part ng job nila na pinasok kami doon sa school,” sabi ni Jamie Laduan na isang English teacher.

Sa guidelines ng POEA, maaring mag-direct hire pero hanggang limang empleyado lang. Kinakailang ding sumunod ng mga employer na gustong mag-direct hire sa minimum provisions ng POEA.

“They have to comply with POEA or DMW standards. Meron kayo dapat overtime, meron dapat kayong leave, meron dapat kayong accomodation, meron dapat kayong repatriation importanteng importante po yan. Meron po kayong dispute settlement importanteng importante po yan. So you see, pinapangalagaan ng gobyerno yung kapakanan ninyo dahil merong ibang mga employers na ayaw ibigay sa inyo ito,” pahayag ni Minister and Consul General Emma Sarne.

Kung sobra na sa lima ang direct hires, kinakailangan nang gumamit ng employment agency sa Pilipinas. Ang mga employer na gustong mag-hire ng mga Pilipino ay magbabayad ng service fee na nasa 300 to 500 dollars per deployment. at ang babayaran naman ng mga Pilipino ay placement fee na katumbas ng isang buwang sahod.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.