‘Bagong Pilipinas’ hymn at pledge, umani ng iba’t ibang reaksyon

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Bagong Pilipinas’ hymn at pledge, umani ng iba’t ibang reaksyon

Patrol ng Pilipino

Clipboard

MAYNILA — Sa bisa ng Memorandum Circular No. 52 ng Office of the President, iniutos na kantahin ang ‘Bagong Pilipinas’ Hymn at at bigkasin ang pledge nito sa lahat ng national government agencies, Government Owned and Controlled Corporations at educational institutions, kabilang ang SUCs, tuwing flag-raising at lowering ceremonies.

Layon umano ng kautusan na paigtingin pa ang pagiging makabayan ng bawat Pilipino at palalimin ang suporta sa administrasyon. 

Ayon kay ACT Teachers Party List Rep. France Castro, “unnecessary” ang direktiba at paraan lamang para pabanguhin ang imahe ng pamilya Marcos. 

Kahit walang pagtutol sa nilalaman ng hymn at pledge, iginiit naman ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi sakop ng kautusan ang Senado.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.