Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Las Piñas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Las Piñas

ABS-CBN News,

Paige Javier

Clipboard

LAS PIÑAS — Patay ang 48-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa tukoy na salarin sa Barangay Talon Singko, Las Piñas nitong Biyernes.

Base sa ulat ng Las Piñas police, nangyari ang insidente alas-8 ng gabi sa kanto ng Peras Street at Santol Street.

Itinawag ito sa Talon Sub-Station ng 8:20 p.m.

Base sa paunang imbestigasyon at salaysay ng testigo, nakasakay umano sa isang motorsiklo ang biktima at dalawang salarin bago mangyari ang insidente.

ADVERTISEMENT

Tumigil umano ang tatlo sa bandang Peras Street at doon pinagbabaril ang biktima.

Ayon sa pulisya, agad binawian ng buhay ang biktima matapos magtamo ng ilang tama ng bala.

Tumakas sakay ng motorsiklo ang dalawang salarin papuntang Sampaloc Street.

Nagsasagawa ng follow-up at dragnet operations ang Talon Sub-Station para matunton ang mga salarin.

IBA BANG ULAT


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.