FACT CHECK: Impostor na DSWD 'AKAP' page, nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa ayuda | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Impostor na DSWD 'AKAP' page, nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa ayuda

ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Jun 24, 2024 12:21 PM PHT
|
Updated Dec 13, 2024 09:25 PM PHT

Isang Facebook page ang nagpapanggap na programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) at nagbibigay ng maling impormasyon tungkol dito.

Ayon sa isang post ng Facebook page na “AKAP Financial Assistance Program,” mabibigyan diumano ng P3,000 ang “lahat ng kapos ang kita” sa pamamagitan ng programa ng DSWD na AKAP. Inaatasan nito ang mga nais makatanggap ng tulong na magpalista at magmessage sa page.

Dagdag sa post, ang ayuda ay “handog” nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Makikita ang mga larawan ng dalawang opisyal sa larawang kalakip ng post.
Ang Facebook page na “AKAP Financial Assistance Program” ay may kategoryang “Public & Government Service.” Ang page ay ginawa noong May 19, 2024, isang araw matapos inilunsad ng DSWD ang AKAP.

Sa isang pahayag na ipinost sa opisyal na Facebook account ng DSWD, sinabi ng ahensya na ang “AKAP Financial Assistance Program” ay hindi kabilang sa mga opisyal na Facebook page nito.
Dagdag pa sa post ng DSWD, ginagamit ng nasabing Facebook page “ang programa ng ahensya nang walang pahintulot at naglalabas ng pekeng impormasyon tungkol dito.”
ANO BA ANG 'AKAP'?
Ang pagpapatupad ng DSWD ng AKAP ay nakapaloob sa General Appropriations Act ng 2024, o ang budget ng pamahalaan para sa kasalukuyang taon. Ang pagpapatupad nito ay batay sa DSWD Memorandum Circular No. 2024-04.

Batay sa nasabing memorandum circular, ang halaga ng tulong sa ilalim ng AKAP ay depende sa uri nito, taliwas sa nakasaad sa post ng nasabing Facebook page. Ang iba’t-ibang uri at limitasyon ng tulong na maaaring matanggap sa ilalim ng programa ay ang mga sumusunod:

- “Relief assistance” o tulong na bigas na hindi hihigit sa halaga ng 25 kilo na bigas minsan kada tatlong buwan
- “Medical assistance” o tulong para sa mga medikal na gastusin mula P1,000 hanggang P150,000 kada admission/discharge o minsanang tulong para sa mga naospital na may malalang sakit
- “Funeral assistance” o tulong para sa burol at libing mula P5,000 hanggang P50,000 kada taong namatay o namatayan
- “Food assistance” mula P2,000 hanggang P10,000 minsan kada tatlong buwan
- “Cash relief assistance” o tulong pinansyal mula P2,000 hanggang P10,000 kada kwalipikadong insidente

Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng AKAP ay maaaring makatanggap ng food, medical, funeral, at cash relief assistance sa mga DSWD field at satellite office at rice assistance naman sa lokal na pamahalaan. Sila ay limitado sa mga may kita na hindi lalampas sa minimum wage, na umaabot mula P316 hanggang P610 kada araw depende sa rehiyon at uri ng trabaho.

Upang mapatunayan ang kita, kinakailangan magsumite ng aplikante ng dokumento tulad ng kontrata sa trabaho, Certificate of Employment with Compensation, o Income Tax Return.

Bukod dito, hindi kwalipikado ang mga tumatanggap ng iba pang tulong mula sa DSWD. Kabilang dito ang mga benepisyarsyo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at mga indigent senior citizen.

DSWD: 'WAG MAG-CLICK SA MGA LINK SA PEKENG PAGE
Paalala ng DSWD sa publiko, huwag mag-click ng anumang link sa mga post na hindi mula sa opisyal na Facebook page ng ahensya at i-report ang mga “fake pages.”

“Ugaliing suriin at i-verify muna ang mga nababasa online. Huwag basta-basta maniwala sa mga content na mula sa hindi mapagkakatiwalaang source,” dagdag ng ahensya.
Hindi ito ang unang beses na na-fact check ng ABS-CBN ang mga nagpapanggap na lehitimong social media account o anunsiyo ng DSWD.
Sa huling tala ng ABS-CBN Fact Check, ang Facebook page na “AKAP Financial Assistance Program” ay mayroong 577 likes at 985 followers. Ang post nito tungkol sa AKAP ay mayroong 375 reactions at 422 shares.

—with research from Noime E. Salo, ABS-CBN Investigative and Research Group Intern
Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o Twitter account @abscbnfactcheck.
Read More:
AKAP
AKAP Financial Assistance Program
DSWD
financial assistance
social services
DSWD Facebook page
DSWD impostor page
Department of Social Welfare and Development
misinformation
disinformation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT