PWD group may apela sa paggamit ng ginagawang elevators sa EDSA Busway | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PWD group may apela sa paggamit ng ginagawang elevators sa EDSA Busway

Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Jun 05, 2024 07:32 PM PHT
|
Updated Jun 05, 2024 07:45 PM PHT

Rodolfo Mones Orasa sa labas ng kaniyang bahay sa Bgy. Milagrosa, Quezon City noong July 24, 2022, kasabay ng 44th National Disability Prevention and Rehabilitation Week. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA — Ikinatuwa ng Organization of Pinoys with Disabilities ang paggawa ng pamahalaan ng mga elevator sa EDSA para sa mga PWDs, senior citizen, at iba pang mas nangangailangang sektor na suki ng EDSA Busway.

Sabi ni Arpee Lazaro, executive director at founder ng grupo, ito ay isang welcome development na magiging malaking pakinabang sa kanilang hanay.

“Siyempre salamat… Ang problema kasi ginagamit siya ng people without disabilities kasi ang hirap naman kasi talaga umakyat dun sa pagkataas-taas. Kung tutuusin parang 4th floor ng building yan eh,” sabi ni Lazaro.

May pakiusap din si Lazaro sa ibang wala namang kapansanan sa paggamit ng mga pasilidad na laan para sa kanila.
May pakiusap din si Lazaro sa ibang wala namang kapansanan sa paggamit ng mga pasilidad na laan para sa kanila.
ADVERTISEMENT
“Pag may nag-claim na PWD, paunahin n’yo na po. Huwag n’yo na ho silang usisain. Ibigay n’yo na ho sa kanila yan kasi yung iba talaga... Let’s give them the benefit of the doubt,” aniya.

Sabi pa ni Lazaro, para sa mga abled bodies o wala namang iniindang kapansanan, maganda na rin na isiping bahagi lang ng araw-araw na exercise ang paggamit ng mga footbridge sa EDSA Busway.

Ngayong Hunyo, plano ng Department of Transportation (DOTr) na magamit na ang unang 5 elevator na ginagawa. Kabilang dito ang nasa Monumento sa Caloocan; Bagong Barrio sa Caloocan City; Balintawak at Philam Station sa Quezon City; at Guadalupe Station sa Makati City.

Sabi ni DOTr Usec. Andy Ortega, ang proyektong pagtatayo ng 15 elevator units sa 5 EDSA Busway stations ay may pondong higit P97 million mula sa 2022 General Appropriations Act.

Katuwang ng DOTr sa proyektong ito ang Metropolitan Manila Development Authority.

KAUGNAY NA VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT