Babaeng binawi ang akusasyong holdap ng motorcycle rider, posibleng kasuhan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babaeng binawi ang akusasyong holdap ng motorcycle rider, posibleng kasuhan

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 07, 2024 10:29 PM PHT

Clipboard

MAYNILA — Posibleng makasuhan ang babaeng pasahero ng isang motorcycle taxi company matapos niyang bawiin ang alegasyon na hinoldap siya nang nasakyang rider na si Vicente Young nitong Mayo 28, ayon kay Police Colonel Samuel Pabonita, hepe ng Pasay City Police.

Nitong Huwebes, nalaman ng Pasay PNP na binawi na ni Alyas Annie sa isang programa ang kanyang mga alegasyon sa rider. Gagamitin itong ebidensya ng pulisya para sa pagsampa ng reklamo.

Mayo 30 nang dumulog siya sa Pasay PNP at sa kanyang sinumpaang salaysay hindi umano siya binaba ng rider sa drop-off point sa Makati at ibinaba siya sa EDSA-Pasay. Dito umano sinabi ng rider na hindi siya ibaba kung hindi ibibigay ang bag niya. Ang mga salaysay na ito pala walang katotohanan, ayon sa PNP at kay Young.


“Ito sinumpaang salaysay siya, nag-sworn siya sinasabi kami ganun yung nagbibigay siya ng maling impormasyon, it constitute ah, pananagutan siya dun, sa ating puwede natin siyang kasuhan ng perjury kasi mali ang information na binibigay niya sa atin.” sabi ni Pabonita.

ADVERTISEMENT


"Hindi talaga lahat totoo yung mga sinabi niya, talagang nilalahat ko 'yun, yung sinabi niya na dinala ko siya sa Pasay, sa may tapat ng hotel, hinarass ko raw siya, kinausap ko raw siya about sa bag niya dahil kung gusto niya raw bumaba kukunin ko raw bag niya, lahat yun sir hindi totoo dahil ibinaba ko po siya ng tama dun sa kung saan siya nararapat bumaba.” sabi ni Young.

WALANG EBIDENSYA SA CCTV

Binalikan din ng pulisya ang lugar na sinabi ni Alyas Annie kung saan siya ibinaba ng rider at sa backtracking nila, walang nakita sa lugar na dumaang motorcycle taxi sakay ang babae.

“Ang ginawa ng ating pulis chineck ang mga CCTV na nasa area… Wala talagang nakita na bumaba doon sa pinangyarihan, sabi niya noong oras na iyon.” sabi ni Pabonita.

Sa booking record ng Move It,  kumpirmado na may booking si Vicente Young mula Cubao at ibinaba ang pasahero sa McKinley Exchange dakong 11:47 p.m. at matapos nito agad na may nag-book sa kanya na ibang pasahero.

Bukod sa perjury, pinag-aaralan din ng rider na ireklamo ng cyber libel si Alyas Annie. Aniya, matapos lumabas ang mga maling alegasyon lubha siyang naapektuhan at ang kanyang pamilya pero sa kabila nito, pinatawad niya ang babae.

ADVERTISEMENT

“Pamilya namin halos di na makapag-salita sa ibang tao, wala naman din ideya sa nangyari. Saka kilala nila ako na hindi ako ganoong tao, tapos biglang balita na ayun nga nang-holdap daw ako, pero di naman talaga totoo.” sabi ni Young.

Tinawagan ng ABS-CBN News si Alyas Annie, pero hindi umano muna siya magbibigay ng anumang pahayag. Aminado naman ang ilang mga motorcycle taxi rider na naapektuhan ang kanilang biyahe sa lumabas na isyu.

“Sana inisip niya muna, di ba may pamilya naman siya, sana inisip niya muna mangyayari doon sa sinabihan niyang rider” sabi ni King Morris Ventures.

“Sana po pinagisipan niya talaga bago niya pinost ganun, ginawa niya tumakbo pa siya dun sa pulis…. Di na ako makuwento ngayon sa pasahero eh, kung magtatanong sila, yun lang isasagot ko. Kumbaga, yung pagmamaneho ko, focus lang,” sabi naman ni JR Roldan.

“Lumabas naman katotohan na hindi naman totoo ang akusa, huwag silang gagawa ng ganoon kasi apektado yung mga katulad naming rider na nagta-trabaho ng maayos,” sabi naman ni Arwin Fereira.

ADVERTISEMENT

Ayon naman sa Move It, dahil sa pagbawi sa mga akusasyon, na re-activate na nila ang account ni Young at maari na siyang makapag-hanapbuhay na muli.

Tutulungan din umnao nila na mabawi ang nawalang kita nito habang naka-preventive suspension. Pinasalamatan din nila ang rider sa pakikipagtulungan nito sa imbestigasyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.