Umano'y magnanakaw, arestado sa tulong ng delivery rider | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Umano'y magnanakaw, arestado sa tulong ng delivery rider

Umano'y magnanakaw, arestado sa tulong ng delivery rider

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 15, 2024 08:14 PM PHT

Clipboard

Sa imbestigasyon ng Las Piñas City Police, 2:30 ng madaling araw nang looban ng suspek ang convenience store sa Bgy. Talon 5. Las Piñas PoliceMAYNILA — Inaresto ng pulisya ang suspek na nangholdap sa isang convenience store sa Las Piñas nitong Lunes. 

Sa imbestigasyon ng Las Piñas City Police, 2:30 ng madaling araw nang looban ng suspek ang convenience store sa Barangay Talon 5.

Kuwento ni alyas Noel, cashier ng convenience store, pumasok na naka-helmet ang suspek at sinita niya ito. Dumiretso ito sa counter at nagtanong ng presyo ng sigarilyo.

“Yung pagbanggit ko po ng presyo ng sigarilyo, dun na po siya nagsabi na ‘ah sige holdap ‘to,’” sabi ni Noel.

Sa takot ay ibinigay ni Noel ang pera ng convenience store.

ADVERTISEMENT

Agad nagsumbong sa barangay ang empleyado ng tindahan na siya namang nagsumbong sa mga pulis.

Sa pag-iimbestiga ng mga pulis, tumulong umano ang isang delivery rider sa mas mabilis na pagtunton sa suspek.

“Sinabi niya na nakita niya at nasundan niya yung tao na naka-motor na pinaniniwalaan na siya yung suspek,” sabi ni PMaj. Knowme Sia, hepe ng Investigation and Detective Management Section ng Las Piñas City Police.

“Hinahanap namin yung delivery rider dahil malaki ang kanyang kontribusyon dito si aming hepe Police Colonel Sandro Tafalla ay nakahandang magbigay ng appropriate award sa kanya.” dagdag niya.

Natunton ang suspek at narekober ang baril, bala at tinangay na kita ng convenience store na nagkakahalaga ng higit P67,000. 

ADVERTISEMENT

Depensa umano ng suspek, nagawa nito ang krimen para pandagdag sa pambili ng gamot ng anak.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek na mahaharap sa reklamong robbery holdup, illegal possession of firearms, at paglabag sa motorcycle crime prevention act.

Nasa kustodiya na ng Las Piñas City Police ang suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.