Kaklase umano ni Guo Hua Ping lumutang

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kaklase umano ni Guo Hua Ping lumutang

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Agad na hinagilap ni alyas Ching ang mga lumang class pictures niya nang makita sa social media ang sinasabing grade 1 class picture ni Guo Huang Ping, na pinaniniwalaang si Mayor Alice Guo sa Grace Christian High School sa Sto. Domingo, Quezon City, na ngayo'y Grace Christian College na.

“Classmate ko siya, nag-circulate na ang news sa aming community. Initially when the news came in, nag-ring na 'yong bell na Hua Ping," ani Ching.

Naalala niya na kaklase niya si Ping noong Grade 2. Hindi umano Alice ang tawag nila noon sa kanya kundi “Ping”.

Kwento ni Ching, isa sa pinakamatandang estudyante sa kanilang English class sa morning shift si Ping. Pero nasa normal class level naman siya o Grade 5 sa kanilang Chinese class na afternoon shift.

ADVERTISEMENT

“Si Guo Hua Ping, 16 years younger sa akin kaya malayo na 'yong aming age gap kahit same school kami pero noong nag-aral siya ng Grade 1, 10 years old na siya eh," ani Sen. Sherwin Gatchalian, na nagtapos sa Grace Christian.

"Kung titlingnatin 'yong timeline dapat Grade 1 (6 years old ka lang). Pero dahil nga hindi siya marunong mag-English at Tagalog , binalik siya sa Grade 1 as supposed to Grade 4 na siya o Grade 5,” ani Gatchalian.

Ayon nga kay Ching, hirap magtagalog si Ping noon. “Nagtatagalog siya, pero sobrang bulol,” ani Ching.

Dahil siya ang pinakamatanda klase, isa umano si Ping sa kanilang kinakatakutan.

"Baka matawa kayo pero talagang nangungurot siya kung hindi mo pahiramin ng pencil eraser. Parang powertripping... ako hinihingan niya ng pencils at erasers," ani Ching.

ADVERTISEMENT

Madalas rin umano kumain sa klase si Ping.

Inamin ni Ching, nagdalawang isip sila na magbigay ng panayam dahİl natatakot sila sa kanilang seguridad.

“We want to remain anonymous for our safety, ayaw madamay. Nakakatakot din kung may connection sa POGO, pano na 'yong mga connection niya within our community,”  ani Ching.

Pero nagpapasalamat si Sen. Gatchalian sa mga tulad ni Ching na ibinabahagi ang katotohanan kaugnay sa pagkakakilanlan ni Guo.

“Ito kasi nagko-confirm na hindi siya lumaki sa farm, 'yongfamous kwento niya na lumaki siya sa farm, 'yong teacher Rubilyn ang nagturo sa kanya... walang katotohanan 'yon lahat 'yon ay kasinungalingan," anang senador.

ADVERTISEMENT

May ilan pa umano sa kanilang mga naging kaklase ni Ping na gustong magpatunay kung ano ang tunay na pagkakakilanlan ni Mayor Alice Guo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.