Bagong laya sa kulungan binaril ng riding in tandem

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagong laya sa kulungan binaril ng riding in tandem

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Sikatuna Village sa Quezon City, maga-alas onse ng gabi nitong Martes.

Ayon sa paunang ulat mula sa Anonas Police, nakasakay sa isang motorcycle taxi ang biktima nang malapitan siyang pagbabarilin ng gunman sa kanto ng V. Luna extension at Anonas, bago sila tumakas.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa mukha at leeg ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Kwento ng kaanak ng biktima na tumangging magpakilala, kalalaya lang ng lalaki at kalalabas lang sa Camp Karingal. Pauwi na sana ang biktima nang mangyari ang krimen.

ADVERTISEMENT

Nakulong siya dahil sa kasong pagnanakaw.

Ayon sa motorcycle taxi rider na sinakyan ng biktima, nagbook ang lalaki ng biyahe papuntang Cavite.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.