Online voting information drive isinagawa sa Hong Kong

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Online voting information drive isinagawa sa Hong Kong

John Go,

TFC News,

Hong Kong

Clipboard

HONG KONG - Nagsagawa ang COMELEC at ang Department of Foreign Affairs ng internet voting information drive para sa Flipino community leaders at media sa Hong Kong.

 

Higit dalawandaang libong Pinoy ang namamalagi sa syudad at karamihan dahil Linggo lang ang day-off, mahirap sa kanilang makahanap ng oras para bumoto lalo't mahaba ang pila sa voting precinct.


Online voting information drive na isinagawa ng COMELEC sa Hong KongSa darating na 2025 midterm elections, inaasahang makatutulong  ang online o internet voting.

 

“During the 2022 elections we had of course difficulty in accommodating everybody on time because the sheer number of the voters now. We hope with online voting it will be easier and then more inclusive because the workers can vote anytime within the one month period...” pahayag ni Consul General Germinia Aguilar-Usudan.            

 

Sa pagpunta ng mga opisyal ng COMELEC sa HK, umaasa silang makakuha ng feedback sa overseas voters sa usaping online voting.

 

“Kasama po ang HK PCG na mag-iimplement po ng internet voting...kaya iniimbitahan ang mga Filipino community leaders, yung mga overseas voters kasi gusto po namin makita o makuha yung kanilang feel sa internet voting, gusto ba nila, yaw ba nila,” sabi ni COMELEC Commisioner Marlon Casquejo.

 

Bagamat mas maginhawa ang online voting, may mga isyu pa ring  hinahanapan ng solusyon ng COMELEC. Halu-halo naman ang reaksyon ng Filipino community leaders sa syudad patungkol sa isyu.

 

“Ang isang main concern namin yung mga possibility ng dayaan paano yan masasagot ng COMELEC with this online voting. Tapos kung...kung magkaroon ng kawalan ng internet so ang anong backup?” ani Unifil-Migrante-HK Chairperson Dolores Pelaez.

 

“Really good for the OFW, it really save us from the hustle of like lining up noon which we usually do here for like one or two hours,” sabi ni Mindanao Migrant Alliance Chairman Raul Blanco.

 

“Marami kasi yung hindi gaanong gumagamit ng email and then hindi nila kabisado how to go online eh hindi ko alam kung magugustuhan nila,” pahayag ni Kabalikat OFW Bicol International President Fayeh Guevarra.

 

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.