2 pang persons of interest sa Lopez-Cohen slay, tukoy na ng PNP

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 pang persons of interest sa Lopez-Cohen slay, tukoy na ng PNP

Raya Capulong,

ABS-CBN News

Clipboard

2 pang persons of interest sa Lopez-Cohen slay, tukoy na ng PNPNa-cremate na ang labi ng Kapampangan beauty queen na si Geneva Lopez, at kasalukuyang nakaburol sa memorial chapel sa kanyang hometown sa Pampanga. Job Manahan, ABS-CBN News

MANILA - Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakakilanlan ng 2 pang persons of interest (POI) na posibleng may kaugnayan sa pagpaslang sa beauty pageant contestant na si Geneva Lopez at ang kasintahan nitong Israeli na si Yitzhak Cohen.

Ayon kay PNP PIO acting chief at spokesperson Col. Jean Fajardo, ang 2 POI ay posibleng kasama ng dating dalawang pulis sa pagplano sa pagpatay sa mga biktima.

“Mayroon na pong mga information na nakakarating sa PNP with respect doon sa mga ina-account. We already have names kahit mga aliases so nandoon yung direction. Hinahanap sila bagamat kailangan natin dumaan sa proseso para makuha natin sila at maimbestigahan," sabi ni Fajardo.

Nananatili namang away sa lupa ang tinitingnang anggulo ng PNP na sanhi ng krimen.

ADVERTISEMENT

Pinag-aaralan din ng PNP kung posibleng gawing witness si Alyas Jun-Jun, ang isa sa mga testigong nakakita sa pamamaril umano samagkasintahan.  

"Significant yung binigay niyang information kasi siya nakapagturo kung asan yung bangkay at sinasabi rin niya na siya yung inutusan nung isa sa mga POIs natin na magdrive nung sasakyan na sinunog na natagpuan nga ito yung mga testimonya  na napakahalaga pero we don’t want to just rely dito sa testimonya nitong key witness," ani Fajardo.

"Gusto natin i-backup yun ng mga forensic evidence para siguraduhin na backed up at matibay in case na magkakaroon tayo later ng pagbago ng isip at wala siyang alam but napakahirap baguhin yung isip ng isang tao na nakita natin mismo yung bangkay na nandoon. So later on hindi ko sinabi yan because he was there. In Fact nung makapag apply tayo ng SW ay siya mismo ang hinarap sa korte at nakausap ng judge kaya nagdesisyon ang judge na ilabas," dagdag niya. 

Tiniyak naman ng PNP ang kaligtasan ng pamilya ni alyas Jun-Jun, na nakiusap na huwag muna siya makiharap dahil sa "dami ng nalalaman niya."

"Kung ako yung pinaka-mastermind at pinaka-utak ay gusto ko mawala siya sa storya na ito para hindi siya malink because it appears na napakarami niyang alam so binibigyan siya ng security ng SITG particularly pati na rin yung kanyang pamilya,” ani  Fajardo.

ADVERTISEMENT

Pero gayon pa man sinabi ni Fajardo na dadaan pa sa mahabang proseso para gawin itong witness.

"So yung tanong niyo na puwede ba siyang idischarge, kung rerebyuhin natin yung procedure kailangan muna masampahan siya for later on mag motion tayo para idischarge para gawin state witness," ani ni Fajardo.

Nakatutok sa ngayon ang PNP sa pagpapalakas ng mga hawak nilang ebidensya para mas maging matibay ang isasampa nilang reklamo sa laban sa mga suspek.

"Hopefully within the week ay makukumpleto mga ebidensya. Hindi natin ito minamadali dahil gusto natin once makapagsampa tayo ng kaso ay talagang matibay. Yung probability of conviction nandoon yung gusto natin, hindi basta probable cause lang yung hinahanap natin, yung certainty ng conviction andun yung direction natin," paliwanag ni Fajardo.

Gagamitin din nilang karagdagang ebidensya ang naunang pahayag ng dating pulis na sinabing naging middleman lang sya sa pagbebenta ng lupa.

ADVERTISEMENT

"Sa ngayon yun yung pinakamalinaw na anggulo na in fact dahil sa kagustuhan niyang mabawi itong kanyang isinanlang lupa kay Geneva ay ginamit niya itong isang ex-pulis at yun ang pinagpanggap niya na buyer ng lupa na tiningnan ng magkasintahan. So definitely nagkaroon ng pagpaplano dito sa kaso na ito at kung paano nila na entice na pumunta yung magnobgyo ay yun pa yung mga tinatahi natin," ani Fajardo.

"Siyempre wala tayong makukuhang information as expected dito kay nila middleman at ang magagamit lang natin sa kanya initially ay nagbigay siya ng testimonya, nag execute siya ng affidavit at inaamin niya na nakipagkita siya sa 2 ito bago Nawala although sabi  nga natin that alone ay may admission sa kanya na siya yung huling nakausap nito but marami siyang inomit sa kanyang mga statements. So definitely ito yung mga gagamitin natin na mga additional evidence against him," dagdag niya.

Buwan nang Hunyo nang maiulat na nawawala si Lopez at si Cohen na namili umano ng lupa sa Tarlac. Nitong Linggo, Hulyo 7, natagpuan na ang bangkay ng dalawa sa bakanteng lote.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.