Snatcher arestado sa tulong ng concerned citizen | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Snatcher arestado sa tulong ng concerned citizen

Snatcher arestado sa tulong ng concerned citizen

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Sa tulong ng isang concerned citizen, agad na naaresto ng pulisya ang isang snatcher sa Pasay nitong nitong Miyerkules. 

Naglalakad ang isang Korean national sa Macapagal Boulevard nang hablutin ng suspek na sakay ng motorsiklo ang cellphone nito na nagkakahalaga ng P50,000 bandang alas-3 ng madaling-araw, ayon sa pulisya. 

“Tamang-tama naman na mayroon tayong nagmamalasakit na ating kababayan nakita yung pangyayari, so ang ginawa ng ating kababayan nung tumakas itong suspek eh sinundan papuntang Maynila… Sinundan hanggang saan yung bahay nung suspek,” sabi ni Col. Samuel Pabonita, hepe ng Pasay police. 

Pinuntahan ng Police Substation 10 ang rider at ikinasa ang follow up operation.

ADVERTISEMENT

“Sinamahan at nagreport din ang ating biktima dun sa Substation 10… Tinuro nung ating concerned citizen [yung bahay]. Nakita yung motor at tsaka naituro kanino motor at positively identified ng biktima,” sabi ni Pabonita. 

Nang maaresto, wala ang cellphone ng biktima sa suspek. Itinapon umano ito habang papalapit ang suspek sa isang police checkpoint sa boundary ng Pasay at Maynila bago siya naaresto. 

“Binalikan ng ating pulis yung lugar kung saan yung cellphone at doon nakita cellphone na identified ng biktima,” dagdag ni Pabonita. 

Sabi naman ng suspek, matinding pangangailangan ang nagtulak sa kanya sa krimen. 

“Pinagsisisihan ko na po yung mga ginawa ko, dahil masama po ginawa ko, nagawa ko lang po iyon dahil sa papa ko na may sakit,” sabi niya. 

ADVERTISEMENT

Nagpasalamat naman ang Pasay police sa concerned rider na tumulong sa mabilis na paglutas ng kaso. 

“Sa ating rider maraming salamat po, at sana huwag po kayong magsawang tutulong… Ito naman din po ang pakiusap namin sa ating mga kababayan magtulungan tayo para masugpo kriminalidad na mga ganito,” sabi ni Pabonita. 

Nasampahan na ng reklamong robbery snatching ang suspek. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.