Mahahalagang isyu tinalakay sa 57th ASEAN Foreign Ministers' Meeting | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mahahalagang isyu tinalakay sa 57th ASEAN Foreign Ministers' Meeting
Wendy Palomo,
TFC News,
Indonesia
Published Aug 13, 2024 07:56 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

JAKARTA, Indonesia - Sunud-sunod ang mga pulong ng ASEAN member states nitong Hulyo para sa 57th ASEAN Foreign Ministers' Meeting na ginanap sa Vientiane, Lao People's Democratic Republic.

Dumalo rin sa pagtitipon ang mga kinatawan ng dialogue partners ng ASEAN gaya ng US, UK at Canada.

Ibinahagi ni Secretary-General Kim Kao Hourn na kabilang sa mga napagkasunduan sa pulong ang patuloy na pagsuporta ng external partners para sa mas matatag na ASEAN community building.

Nakatuon ang mga pagsisikap at plano para maipatupad ang ASEAN community vision 2045.

“The theme for this year is ASEAN Connectivity, Relevance, and Resilience under the Lao chairmanship,” ASEAN Secretary-General Kao Kim Hourn.

Parte rin ng mga sunod-sunod na pulong ang paghahanda para sa ASEAN Summits na gagawin sa Lao sa Oktubre.

Ilan pa sa mga napag-usapan ang comprehensive strategic partnerships, free trade agreements, digital connectivity, air connectivity, digital at green economy.

Maglalagay rin ng ASEAN-US Center sa Washington DC. Natalakay rin ang isyu ng Pilipinas at China sa South China Sea.

Para sa ASEAN Secretary General, mahalagang magkasundo ang dalawa na pahupain ang tensyon para mapanatili ang kapayapaan sa karagatan.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.