‘Hindi po tayo alalay’: Pagiging taga-payong ng mga pulis, ipinagbawal ni Marbil | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Hindi po tayo alalay’: Pagiging taga-payong ng mga pulis, ipinagbawal ni Marbil

Raya Capulong,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA – Ipinagbawal ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang pagiging taga-payong ng mga pulis.


Sa flag-raising ceremony ngayong Lunes ng umaga sa Camp Crame, Quezon City, sinabi ni Marbil na nais niyang ibalik ang dignidad ng uniporme ng pulis. 


Sinabi ito ni Marbil matapos niyang maobserbahan sa ika-123 Police Service Anniversary noong isang linggo na maraming pulis ang pinapayungan ang kanilang mga kapwa pulis na matataas ang posisyon at iba pang personalidad. 


"Pinagbabawal ko na po yung mga pulis natin every time we have anniversay nakakakita po tayo ng mga pulis natin na naka-uniform, especially yung mga corporal yung mabababa natin, sila ang nagdadala ng mga payong… Hindi po tama yan, hindi po ganyan ang trabaho ng pulis, let us respect our uniform,” sabi ni Marbil. 


“Ipakita natin na tayo ay taong may dignidad, hindi po tayo tao na basta basta, pulis po tayo hindi tayo bodyguard, hindi po tayo driver, hindi po tayo alalay, hindi po tayo bayaran. Pulis po tayo,” dagdag niya. 


Samantala, pinaalalahanan ni Marbil ang mga pulis na sa recalibrated approach ng PNP sa kampanya laban sa iligal na droga, dapat igalang ang karapatang pantao. 



"Ang unang-una nating iintidihin e pagtangkilik sa ating batas. Let us observe human rights, let us preserve human lives… Wala tayong karapatan na kunin ang buhay ng ibang tao,” paalala ni Marbil. 


“We are called law enforcers then we enforce the law in a proper order,” dagdag niya.  



Read More:

PNP

|

police

|

Marbil

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.