NBI director Jaime Santiago buo ang tiwala sa regional director sa Davao

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

NBI director Jaime Santiago buo ang tiwala sa regional director sa Davao

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Inilahad ni National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago na buo pa rin ang tiwala niya sa regional director ng NBI sa Davao sa kabila ng kinakaharap na mga isyu.

Sa press conference sa headquarters ng NBI, sinabi ni Santiago na may tiwala pa rin ito kay Davao Regional Director Archie Albao, sa kabila ng kanilang natanggap na iba't ibang komento at isyu kaugnay ng umano'y pagtanggap nito ng suhol mula kay Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apolo Quiboloy at sa malamya umanong pagsilbi ng warrant of arrest ng grupo ni Albao para kay Quiboloy.

“I’m sorry to say. I still have the  trust. Pinag kakatiwalaan ko pa rin ang aking  regional director. Sabi ni (Arlene) Stone she will submit the final report na hocus pocus lang daw ang ginawa naming raid. It’s not actually a raid nag se-serve po ng warrant," paliwanag ni Santiago.

Dagdag pa niya, maganda na hindi  rin naging bayolente ang pag serve ng warrant. 

“Ang pumunta mula sa NBI, dalawampu pati mga SI (special investigator) at  doctor assigned in that province sınama kulang lang tao namin.  Kasi nag operate konti lang sinama pati staff para may mga kasama sila.  And take note, ang  iseserve na search warrant ay para Kay Pastor Quiboloy na  alam naman natin protected by batallions of his supporters. As a matter of fact 1 batallion din ng PNP pero di makapasok.  Ito, we got the operation peaceful akala nagloloko lang  NBI but the operation was peaceful," ani Santiago.

ADVERTISEMENT

Sinabi pa ni  Santiago na ang utos niya kay Albao sakaling makita si Quiboloy noon ay kumbinsihin na rin itong sumuko.

“Yan ang instruction ko kay Director Albao. Kung nandon si Pastor Quiboloy, you can convince him to surrender peacefully ayoko na may dumadanak ng  dugo. Pwede naman kausapin,” dagdag ni Santiago.

Ibinida rin ni Santiago ang magandang accomplishment pa ni  Albao pagdating sa pagbulgar ng mga delayed na rehistro mga dayuhan.

“Ito pa ang point ko remember RD Albao nag imbistiga ng  200 na certificates na  late registration, Target niya Chinese. Right now umabot ng 1500 ang discovered on the late registration of Chinese people. Kung sinasabi niya na malapit siya kahit kanino, bakit niya imbistigahan ang late registration ng mga Chinese hindi na dapat niya trinabaho yan,” ani Santiago.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.